USER
i will give you modules 1-8 and after sending each module i will give the pointers and you will write it for me. understand?
ChatGPT said:
ChatGPT
Got it! Please share the first module and the pointers.
You said:
Module 1
Aralin Natin
Simulan natin ang pagpapaunlad ng iyong kaalaman at
kakayahan sa pamamagitan ng pagtalakay sa aralin na ito.
Magiging gabay mo sa pag-aaral ng SLK na ito ang mga sumusunod na
tanong:
1. Ano nga ba ang pinakamahalagang instrumento ng komunikasyon?
2. Sa iyong palagay, gaano kahalaga ang wikang pasalita upang maipahayag
ang saloobin o isipan sa iyong kapwa?
3. Paano mo maipakita na pinahahalagahan mo ang pagkakaroon ng sariling
wika?
I. Kahulugan at Katangian ng Wika
Ang wika ay maaaring tumutukoy sa kakayahan ng tao na mag-angkin
at gumamit ng mga komplikadong sistemang pangkomunikasyon, o
ispesipikong pagkakataon ng nasabing komplikadong sistemang
pangkomunikasyon. Bilang isang pangkalahatang konsepto, ang wika ay
tumutukoy sa kognitibong pakulti na nagbibigay-kakayahan sa mga tao
upang matuto at gumamit ng mga sistema ng komplikadong komunikasyon
(Wikipedia). Bilang isang ispesipikong lingguwistikong konsepto, ang wika ay
tumutukoy sa mga tiyak na lingguwistikong sistema na ang kabuuan ay
pinangalanan na katawagan tulad ng Ingles, Pranses, Aleman, Nihonggo,
Mandarin, Filipino, at iba pa (Bernales, 2001).
Ang salitang Ingles na language ay mula sa salitang Latin na lingua na
ang ibig sabihin ay dila. Ang metaporikal na relasyon ng wika at dila ay
umiirral sa maraming wika patunay ito sa historikal na pagprominente ng
sinasalitang wika.
Ang mga eksperto ay may kani-kaniyang pagpapakahulugan sa wika
bilang isang pangkalahatang konsepto man o bilang isang ispesipikong
lingguwistikong konsepto. Ayon kay Webster (1974), ang wika ay isang
sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga
pasulat at pasalitang simbolo.
Ayon kay A. Hill (sa Tumangan.et al., 2000) sa kanyang papel na What
is Language? ang wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng
simbolikong gawaing pantao. Ang simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na
nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at pattern na
lumilikha sa isang komplikado na estraktura.
3
Halos gayon ang binigay na kahulugan ni Gleason (Tumangan,et.al.,
2000) sa wika. Ayon sa kanya, ang wika ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
Mula sa mga kahulugang nabanggit, ang mga pangunahin at unibersal
na katangian ng wika ay ang sumusunod:
1. ANG WIKA AY MASISTEMANG BALANGKAS. Lahat ng wika sa daigdig
ay sistematikong nakaayos sa isang tiyak na balangkas, Walang wika
ang hindi nakaayon sa balangkas na ito. Lahat ng wika ay nakabatay
sa tunog. Ponema ang tawag sa makabuluhang tunog ng wika
samantalang Ponolohiya naman ang tawag sa makaagham na pag-
aaral ng mga ito. Kapag ang mga ponemang ito ay pinagsama, maaaring
makabuo ng maliit na yunit ng salita na tinatawag na morpema. Ang
morpemang mabubuo ay maaaring isang salitang-ugat, panlapi o
morpemang ponema katulad ng ponemang /a/ na sa wika natin ay
maaaring magpahiwatig ng kasariang pambabae. Morpolohiya naman
ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng morpema. Samantala, kapag
ang mga salita ay pinag-ugnay, maaring makabuo ng mga
pangungusap. Kapag nagkaroon na ng makabuluhang palitan ng mga
pangungusap ang dalawa o higit pang tao ay nagkakaroon na ng
tinatawag na diskurso. Makikita mo yan sa ilustrasyon sa ibaba.
BALANGKAS NG WIKA
Ponolohiya
Tunog
(Ponema)
Morpolohiya
(Morpema)
Salitang-ugat +
Panlapi +
Morpemang Ponema
Pangungusap Diskurso
(Sambitla)
Sintaksis
4
2. ANG WIKA AY SINASALITANG TUNOG. Hindi lahat ng tunog ay wika
sapagkat hindi lahat ng tunog ay may kahulugan. Sa tao, ang
pinakamakahulugang tunog na nalilikha, kung gayo’y kasangkapan ng
komunikasyon sa halos lahat kung hindi man lahat ng pakakataon ay
ang tunog na sinasalita. Samakatwid, ito ang mga tunog na nalilikha
ng aparato sa pagsasalita na nagmumula sa hanging nanggagaling sa
baga o ang pinanggagalingan ng lakas o enerhiya, nagdaraan sa
pumapalag na bagay na lumilikha ng tunog at minomodipika ng
resonador.
Mga Bahagi ng Katawan na Kailangan sa Pagsasalita
(Modelong Oscar)
Bawat wika ay may kanya-kanyang set ng mga makahulugang
tunog o ponema. Makahulugan ang wika kapag ito ay nagtataglay ng
kahulugan. ang wikang pilipino ay may dalawampu’t isang ponema
napapangkat sa dalawa:
5
A. Ponemang Katinig ay mailalarawan sa pamamagitan ng
punto ng artikulasyon o kung saang bahagi isinasagawa ang
pagbigkas ng fonema at sa paraan ng artikulasyon o paraan
ng pagpapalabas ng hangin sa pagbikas ng fonema ay may
tunog o walang tunog.
B. Ponemang Pantinig mailalarawan sa pamamagitan ng
posisyon ng ng dila sa pagbikas ng mga ito at sa kung saang
bahagi ng dila nagaganap ang pagbikas ng bawat isa.
3. ANG WIKA AY PINIPILI AT ISINASAAYOS. Upang maunawaan ng
ating kausap. Hindi maaaring ipagpilitan gamitin ang isang wikang
hindi naunawaan ng kausap. Gayundin ang kausap, hindi niya
maaaring ipagpilitan ang wikang hindi batid. Tayo o ang ating kausap
ay kailangang pumili ng komong wika kung saan makakaunawaan.
Samantala para maging epektibo ang komunikasyon kailangan isaayos
ang paggamit ng wika.
4. ANG WIKA AY ARBITRARYO. Ayon kay Archibad Hill kung gayon, ang
isang taong walang ugnayan sa isang komunidad ay hindi matututong
magsalita kung paanong ang mga naninirahan sa komunidad na iyon
ay nagsasalita sapagkat ang esensya ng wika ay panlipunan.
Samantalang ang bawat komunidad ay nakabubuo ng mga sariling
pagkakakilanlan sa paggamit ng wika na ikinaiiba nila sa ibang
komunidad, bawat indibidwal ay nakadedevelop din ng sariling
pagkakakilanlan sa pagsasalita na ikinakaiiba niya sa lahat.
5. ANG WIKA AY GINAGAMIT. Ang wika ay kasangkapan sa
komunikasyon at katulad ng iba pang kasangkapan. Ang isang
kasangkapang hindi na ginagamit ay nawawalan na ng saysay. Gayon
din sa wika, idagdag pa kapag ang wika ay hindi na ginagamit ito ay
unti-unting mawawala at tuluyang mamatay.
6. ANG WIKA AY NAKABATAY SA KULTURA. Hindi maaaring
paghiwalayin ang wika at kultura sapagkat sa pamamagitan ng wika,
nasasalamin ang kultura ng isang bansa.
7. ANG WIKA AY NAGBABAGO. Hindi ito tumangi magbago. Ang isang
wikang stagnant ay maaaring mamatay tulad ng hindi paggamit nito.
At maaaring nadaragdagan ang talasalitaan bunga ng pagiging
malikhain ng mga tao, maaaring sila ay nakakalikha ng bagong salita.
At yung mga salitang balbal ay isa ding dahilan.
Ang Wika ng Komunikasyon
Kapansin-pansin sa naunang talakayan kaugnay sa pagpapakilala ng
wika na ang pinakahalaga nito sa mga tao ay bilang instrumento ng
komunikasyon. Sa pamamagitan ng wika naisasagawa ang komunikasyon.
Sa pamamagitan ng komunikasyon ay nagkakaroon ang mga tao ng ano
6
mang gusto nilang makamit. Sa pamamagitan ng ugnayan ng mga tao ay higit
na nalilinang ang kabihasnan at lumalago ang kultura na nasasalamin
naman sa wika na bahagi ng kultura. Kaya ng nauna nang nabanggit na ang
wika at kultura ay magkabuhol.
Komunikasyon ang nagsisilbing ugnayan ng tao sa kanyang kapwa.
Ang komunikasyon ay ang akto ng paglipat ng mensahe mula sa
pinanggalingan tungo sa tagatanggap. Daan ito upang magpahayg ng
kaisipan, ng damdamin, sa layong magkaunawaan. Ngunit hindi maitatangi
ang katotohanang maaring maging daan din ito ng di pagkakaunawaan.
Katangian ng Komunikasyon
Ang komunikasyon ay isang proseso - hindi lamang ito
kinasasangkutan ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe. Ito ang
tinatawag na proseso ng encoding o ang proseso ng pag-eencode ng mensahe.
Ang proseso ng komunikasyon ay dinamiko - ano mang komunikasyon
ay nainpluwensyahan ng oras, lugar, mga pangyayari at mga taong sangkot
sa proseso, kung kaya't ang komunikasyon ay nagbabago o dinamiko dahil
sa impluwensya ng pagbabago ng mga ito.
Mensahe, hindi kahulugan, ang naipadala o natanggap sa
komunikasyon - pansinin muli ang kahulugan ng komunikasyon. Ito ay
proseso ng pagpapahatid at pagtanggap ng mensahe, hindi kahulugan. Ang
pagpapakahulugan ay depende na sa tumatanggap nito.
Hindi maaaring umiwas sa komunikasyon - kahit pa hindi nagsalita.
nakikipagtalastasan sa ating kapwa. Anong uri ito ng komunikasyon?
Intrapersonal diba? Lalo na kapag may tao sa paligid. Hindi man tayo
magsalita, sa ating mga kilos, galaw, kumpas, at anyo hindi man sinasadya
ay nakakapagpadala tayo ng mensahe sa iba.
7
Ang Mundo ng Komunikasyon at ang Mundo ng Wika
Ano ba ang bumubuo ng komunikasyon? Sa Bernales et. al (2013)
anim (6) na mahahalagang sangkap ng komunikasyon ang tinalakay:
• Tao o pangkat ng mga taong pinagmumulan ng
mensahe.
Nagpadala ng
Mensahe
(sender)
•Dalawang uri ng mensahe:
• mensaheng pangnilalaman/panlinggwistika.
• mensaheng relasyunal o mensaheng di-berbal.
Mensahe o
Impormasyon
(message)
•Kategorya ng daluyan
• daluyang sensori - tuwirang paggamit ng paningin,
pandinig, pang-amoy, panlasa at pandama
• daluyang institusyunal – mga kagamitang
elektroniko tulad ng telepono, e-mail, fax, mobile
phone.
Daluyan o
Tsanel
(channel)
•Nagbibigay-kahulugan o magde-decode sa mensaheng
kanyang natanggap.
Tagatanggap
ng Mensahe
(receiver)
•Ang pagbibigay tugon o pidbak ay isang mahalagang
paraan ng pagkontrol sa mga sagabal sa komunikasyon.
•Tatlong uri:
• tuwirang tugon
• di-tuwirang tugon
• naantalang tugon
Tugon o
Pidbak
(feedback)
•Ito ang mga dahilan kung minsan ng hindi pagkakaunawaan.
•Anim na uri:
• semantikong sagabal
• pisikal na sagabal
• pisyolohikal
Potensyal na
Sagabal sa
Komunikasyon
(communication
noise or filter)
• saykolohikal
• sistematik na sagabal
• atityudinal na sagabal.
8
Sa proseso ng komunikasyon, hindi maiiwasan ang mga sagabal na
maaaring maging daan ng miskomunikasyon. Kaya nararapat lamang na
maging sensitibo ka sa mga ito.
1. Semantikong Sagabal. Hindi nangangahulugan na iisang wika ang
ginagamit ng dalawang sangkot sa komunikasyon ay hindi na magiging
sagabal ang wika. Maaaring may partikular na register ng wika na ginagamit
ang sender na hindi tuwirang maunawaang ng tagatanggap.
2. Pisikal na Sagabal. Isang halimbawa ay ang ingay sa paligid, distraksyong
biswal, suliraning teknikal na kaugnay mg sound system, hindi mahusay na
pag-iilaw at hindi komportableng upuan.
3. Pisyolohikal na Sagabal. Ito ay matatagpuan sa katawan ng mga nag-
uusap tulad ng kapansanan sa paningin, pandinig o pagsasalita. Ang
pagkakasakit ay isa ring halimbawa nito
4. Sikolohikal na Sagabal. Ang mga halimbawa nito ay mga biases,
prejudices, at pagkakaiba-iba ng mga nakagawiang kultura na maaaring
magbunga ng misinterpretasyon sa kahulugan ng mga mensahe.
5. Sistematik na Sagabal. Natutungkol ito sa mga organisasyon o mga
samahan kung saan nararapat na sundin ang hirarkiya sa proseso ng
komunikasyon. Halimbawa, sa opisina, kung hinaing ang isang empleyado,
hindi siya maaaring dumiretso sa pangulo ng kumpanya kundi sa kaniyang
supervisor o kaya ay dumulog siya sa Human Resource Office ng kaniyang
kumpanya. Kung hindi alam ng isang empleyado ang sistema, maaring
manahimik na lamang siya dahil sa kawalang kaalaman.
6. Atityudinal na Sagabal. May pagkakataon na ang ating asal ay nagiging
sagabal sa proseso ng komunikasyon. Maaring tayo ay walang interes sa
pinag-uusapan o di kaya ay ayaw natin makisangkot kung kaya’t wala tayong
interes.
Ang Komunikasyon ng Tao
Bahagi na ng buhay ang komunikasyon, dapat tandaan na may iba’t
ibang uri ng pakikipag-usap. Kung ikaw ay nakikipag-usap sa iyong sarili o
kaya ay nagdarasal. Ito ay tinatawag na intrapersonal na komunikasyon.
Sa sandaling ibahagi mo ang iyong nararamdaman, kaisipan o opinyon
sa isang tao o maliit na pangkat, ito ay tinatawag na interpersonal na
komunikasyon. Kung sensitibo ang iyong kausap, magkakaroon siya ng
ideya sa iyong pagkatao kung susuriin ang iyong pananalita. Sa pamamagitan
ng interpersonal na komunikasyon ay nakapagpapatatag ng mga ugnayang
pantao.
9
Sa sandaling ikaw ay nakisangkot sa mga malalaking usapan kung
saan kinapapalooban ng malalaking pangkat ng tao, ito ay tumutukoy sa
komunikasyong pampubliko. Halimbawa nito ay pangangampanya ng
politiko. Ang palabas sa telebisyon din ay maituturing na pampublikong
komunkasyon. Kapuna-puna ito sa mga sumikat na teleserye tulad ng Ang
Probinsyano, Encantadia at marami pang iba na nag-trending pa sa Social
Media.
Napakahalaga ng komunikasyon sa apang-araw-araw na buhay. Sa
pagising sa umaga, magpapasalamat na agad sa Panginoon. Sa hapag kainan
ay magkakaroon ng kwentuhan. Malaking bahagi ng buong araw ay
kinasasangkutan ng komunikasyon kung kaya’t tunay na masasabi na
mahalaga ang pakikipagtalastasan at sa gawaing ito at mahalaga din ang
kaalaman sa wika na siyang pangunahing instrumento natin.
ChatGPT said:
ChatGPT
Sure! Please provide the pointers for Module 1, and I’ll write it based on that.
You said:
no i meant i will give points on all the modules
ChatGPT said:
ChatGPT
Got it! Please share the points for Module 1 whenever you're ready, and I’ll help you with it.
You said:
Module 2
Mga Tungkulin ng Wika ayon kay M. A. K. Halliday
Wika ang kasangkapan sa iba't ibang mensahe na nais mong iparating
kung mag-uutos, magpaparamdam, magbibigay-opinyon o kaya ay
maghahatid ng kaalaman. Ayon kay Michael Alexander Kirkwood (M.A.K)
Halliday, may pitong (7) pangunahing tungkulin ang wika.
1. Personal - Ito ay tungkulin ng wika na ginagamit sa
pakikipagkomunikasyon kung nais o gustong ipahayag ang sariling saloobin
nang may pagsasalang-alang sa sariling indibidwalidad. Bahagi nito ang
pagbulalas ng damdamin gaya ng pagkagulat, pagkagalit, hinanakit at tuwa.
Maging ang pagmumura at mga ekspresyong naibubulalas nang biglaan ay
saklaw rin ng tungkuling ito, gayundin, ang pagtataglay ng punto sa
pagsasalita na nagpapakita ng kakanyahang taglay ng mananalita.
Halimbawa:
Nandito ako para ipaliwanag na mali lamang ang iyong pagkakaintindi
sa aking sinabi. (pagbibigay-diin sa sariling punto)
2. Imahinatibo -Tungkulin ito ng wika na ginagamit upang hikayatin ang
mambabasa o tagapakinig na mapagana ang imahinasyon o kaya unawain o
bigyang-hugis sa isipan Kang mensaheng nais iparating ng tagapagsalita.
Bunga nito na nabubuhay ang emosyon o damdamin ng mambabasa habang
pinatatakbo lamang sa gunita ang mga pangyayari, senaryo at sitwasyong
inilalarawan estetiko ang bunga nito kaya madalas na nagagamit sa pagsulat
ng mga akdang pampanitikan.
Halimbawa:
Ikaw ang talang kumikislap sa madilim na gabi,
Ngbibigay liwanag sa aking buhay.
3. Interaksyonal - Ito ay ginagamit sa pakikipagkapwa, pagpaplano,
pagpapayabong o pagpapanatili ng ugnayan sa iba.
5
Halimbawa:
Mag-aaral: Magandang umaga, guro!
Guro: Magandang umaga naman sa’yo.
4. Impormatibo - Ito ay ginagamit sa pagpapaliwanag upang maipaalam ang
katotohanan, datos at impormasyong hatid ng mundo. Ito ang ginagampanan
ng wika kapag naglelektura, naghahain ng mga bagong tuklas na datos at
magbigay ng mga resulta ng sarbey.
Halimbawa:
Alam ba ninyo na ang pinakamahabang salita sa diksyonaryo ay
binubuo ng apatnapu't limang letra? Ito ay ang salitang
pneumonoultramicroscopicsilicovolcanoconiosis na ang ibig sabihin
ay isang uri ng sakit sa baga dahil sa alikabok na silica na
sumisira sa baga.
Ang OK ay ay pinaikling salita na nangangahulugang "oll Korek o "Ole
Kurreck.
5. Instrumental - Sa uring ito tungkulin ng wika na maging kasangkapan
upang maipahatid ang nais o gusto, pagtutol o kaya ay pagsang-ayon.
Ipinakita sa tungkuling ito ang pagbabago ng tono upang bigyang-diin ang
nais ipahlwatig
May pagkakahawig ito sa tungkuling personal bagamat sa uring ito ay
hindi isinasaalang-alang na makilala ang tagapagsalita kundi ang kanyang
ipinahayag lamang
Halimbawa:
Nandito ako para ipaliwanag na mali lamang ang iyong
pagkakaintindi sa aking sinabi. (pagbibigay-diin sa diwa ng mensahe sa
halip na sa nagsasalita)
Ang halimbawang nasa itaas ay ang halimbawa rin na ibinigay sa
personal na tungkulin ng wika, gayunpaman, tingnan ang bahagi na
binigyang tuon. Ang binibigyang-diin sa pangungusap ay ang nilalaman ng
sinabi at hindi ang katangian ng nagsasalita
6. Regulatori - Ito ay ginagamit ng mga taong may awtoridad kapangyarihan
sa pagkontrol ng kanilang nasasakupan. Nakapagpapakilos ang wika
tungo sa pagtatamo ng layunin dahil sa kapangyarihang bunga ng
awtoridad, impluwensiya, karisma, at pwersa. Makikita sang tungkuling
ito sa pakikiusap, pagsulat ng mga batas, pag-aatas sa mga
memorandum, mga akto (act), regulasyon at ang pagpapatupad sa mga
kautusan o maging simpleng mga utos ng magulang, nakatatanda,
kaibigan upang mapanatili ang kaayusan, sistema, tuluyang daloy ng
proseso at mabuting pakikitunguhan at samahan.
6
Mabuting halimbawa nito ang mga tuntunin sa tahanan na
ipinatutupad ng mga magulang upang mapalaki nang mabuti, mabait,
responsable at mapagkakatiwalaan ang miyembro ng pamilya.
Halimbawa:
a. Mabuting huwag ka munang magkaroon ng kasintahan hanggang
sa makapagtapos ka na ng iyong pag-aaral.
Sa utos na ito ay iniisip ng magulang ang mabuting kinabukasan ng
anak. Ang utos ay ibinigay upang magpokus muna sa pag-aaral ang
anak
b. Dapat na ang lahat ay nasa loob ng tahanan bago mag Ika-10:00 ng
gabi.
Seguridad ang pangunahing kaisipan kaya naitakda ang utos na
nasa bilang 2. Inaasahan na masasanay rin ang anak na
disiplinahin ang sarili kung patuloy na sumunod sa mga itinakdang
kautusan.
6. Heuristik - Ito ay ginagamit upang makatuklas at mapatotohanan ang
mga hinuha upang makamit ang kaalamang akademik o propesyunal. Ito
ang naging tungkulin ng wikang ginamit sa mga pananaliksik at
imbensyon. Hindi nga ba, kapag gagawa ng pananaliksik ay kailangang
matugunan ang mga tanong na inihain? Ika nga, ang mga suliranin sa
pananaliksik ang nagsisilbing pundasyon ng Isasagawang pananaliksik.
Bagamat may hinuhang nabubuo, mapatotohanan o mapasusubalian ang
anumang hinuha sa pamamagitan ng resultang matatamo ng
mananaliksik.
Halimbawa:
Paksa ng Pananaliksik: Saloobin at Pamantayan ng mga Mag-aaral sa
Kolehiyo sa Pagpili ng Kursong Kukunin
Mga Tanong na Tutugunin ng Pananaliksik:
1. Anu-anong kurso ang pangunahing pinipili ng mga papasok sa kolehiyo?
2. Sa pagpasok sa kolehiyo, anu-ano ang isinasaalang-alang ng mga mag-
aaral upang magdesisyon sa pagpili?
3. Bakit mahalaga ang pamimili ng kursong papasukin sa kolehiyo? Ang mga
tanong na inihain ay magiging gabay ng mananaliksik upang magsagawa ng
sistematikong hakbangin na walang pagkiling upang matamo ng obhektibo
ang sagot sa mga tanong.
Barayti ng Wika
Ang pagkakaroon ng barayti ng wika ay ipinapaliwanag ng teoryang
sosyolinggwistikong pinagbatayan ng ideya ng pagiging heterogenous ng
wika. Ayon sa teoryang ito, nag-uugat ang mga barayti ng wika sa pagkakaiba
7
iba ng mga indibiduwal at grupo, maging ng kani-kanilang tirahan, interes,
gawain, pinag-aralan at iba pa. Samakatuwid, may dalawang dimensyon ang
baryabilidad ng wika ang dimensyong heograpiko at dimensyong sosyal
(Constantino, 2006).
Dayalekto ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko.
Tinatawag din itong wikain sa iba pang aklat. Ito ang wikang ginagamit sa
isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit. Ayon sa
pag-aaral ni Ernesto Constantino, mayroong higit sa apat na raan (400) ang
diyalekto na ginagamit sa kapuluan ng ating bansa. Sa Luzon, ilan sa mga
halimbawa nito ay ang Ibanag ng Isabela at Cagayan, Ilocano ng Ilocos,
Pampango ng Pampanga, Pangasinan ng Pangasinan at Bicolano ng
Kabikulan. Sa Visayas ay mababanggit ang Aklanon ng Aklan, Kiniray-a ng
Iloilo, Antique at Kanlurang Panay, Capiznon ng Hilaga-Silangang Panay at
ang Cebuano ng Negros, Cebu, Bohol at iba pa. Samantala, ilan sa mga
dayalek sa Mindanao ay ang Surigaonon ng Surigao, Tausug ng Jolo at Sulu,
Chavacano ng Zamboanga, Davaoeño ng Davao at T boli ng Cotabato.
Ang mga diyalekto ay makikilala hindi lamang sa pagkakaroon nito ng
set ng mga distinct na bokabularyo kundi maging sa punto o tono at sa
estraktura ng pangungusap. Pansinin na lamang natin ang pananagalog ng
mga naninirahan sa iba't ibang lugar na gumagamit ng isang wika:
Maynila - Aba, ang ganda! Bataan - Ka ganda ah!
Batangas - Aba, ang ganda eh! Rizal - Ka ganda, hane!
Katulad ng sa Tagalog, may barayti rin ang Ifugao ng Amganad, Batad
at Kianan; ang Subanon ng Tuboy-Salog, Siocon Lapuyan at Sindangan; ang
Blaan ng Koronadal at Sarangani; at ng marami pa nating ibang diyalekto.
Sosyolek naman ang tawag sa barayting nabubuo batay sa
dimensyong sosyal. Tinatawag din itong sosyal na barayti ng wika dahil
nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan. Halimbawa nito ay ang wika ng
mga estudyante, wika ng matatanda, wika ng kababaihan, wika ng mga
preso, wika ng mga bakla at ng iba pang pangkat. Makikilala ang iba't ibang
barayti nito sa pagkakaroon ng kakaibang rehistro na tangi sa pangkat na
gumagamit ng wika. Pansinin kung paanong inilalantad ng rehistro ng mga
sumusunod na pahayag ang pinagmulan ng mga ito:
a. Wiz ko feel ang mga hombre ditech, day!
b. Wow pare, ang tindi ng tama ko! Heaven!
c. Kosa, pupuga na tayo mamaya.
d. Girl bukas na lang tayo mag-lib (library). Mag-malling muna tayo
ngayon.
d. Pare, punta tayo mamaya sa Mega. Me jamming dun, e.
Ang sosyolek ay maaari ring may okupasyonal na rehistro. Pansinin
ang mga sumusunod na termino. Kung maririnig mo ang mga ito sa isang
taong hindi mo kilala, ano ang agad mong iisiping trabaho niya?
8
hearing exhibit court
pleading fiscal justice
settlement appeal complainant
Ang mga salitang nakatala sa itaas ay mga legal jargon. Ang jargon ang
mga tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng gawain. Ang mga
sumusunod naman ay mga jargon sa disiplinang accountancy at iba pang
kaugnay na disiplina:
account balance net income
debit revenue asset
credit gross income cash flow
Sa disiplinang Medisina at Nursing naman ay gamitin ang mga
sumusunod:
diagnosis therapy prognosis
symptom emergency prescription
ward x-ray check up
Kung minsan, ang mga jargon ng isang larangan ay may kakaibang
kahulugan sa karaniwan o sa ibang larangan. Pansinin ang mga sumusunod
na salitang gamitin sa isports na tennis at kung paano naiiba ang kahulugan
ng mga ito sa karaniwan:
ace fault love
breakpoint deuce rally
slice advantage service
Pansinin naman na ang mga sumusunod na terminolohiya ay may
magkaibang kahulugan o rehistro sa larangang nasa loob ng panaklong:
mouse (Computer, Zoology) stress(Language,Psychology)
strike (Sports, Labor Law) hardware(Business,Computer)
race (Sports, Sociology) nursery(Agriculture,Education)
operation (Medicine, Military) note (Music, Banking)
Ngunit kahit pa ang mga pangkat ay may kanya-kanyang barayti ng
wikang ginagamit batay sa dimensyong heograpikal at sosyal, indibiduwal pa
rin ang paggamit ng wika. Sa madaling sabi, kahit pa sosyal ang pangunahing
tungkulin ng wika, ang indibiduwal na katangian ng bawat tao ay
nakaiimpluwensiya pa rin sa paggamit ng wika. Ito ang nagpapaiba sa isang
indibiduwal sa iba pang indibiduwal. Bawat isa kasi ay may kani-kaniyang
paraan ng paggamit ng wika. Tinatawag itong idyolek. Pansinin kung paano
nagkakaiba-iba ang idyolek ng mga sumusunod na brodkaster kahit pa silang
lahat ay gumagamit ng isang wika, nabibilang sa isang larangan at
naninirahan marahil lahat sa Metro Manila:
a. Mike Enriquez d. Kuya Cesar (t)
b. Noli de Castro e. Mon Tulfo
c. Rey Langit
9
Gayahin ang paraan ng pagsasalita ng bawat isa. Iba-iba, hindi ba? Kilala rin
ang idyolek ng mga sumusunod na personalidad kung kaya madalas silang
gayahin ng mga impersonators:
a. Kris Aquino d. Gloria Macapagal-Arroyo
b. b. Mel Tiangco e. Annabelle Rama
c. Ruffa Mae Quinto f. Miriam Defensor-Santiago
May iba pang barayti ng wika na tinatawag na pidgin at creole. Ang
pidgin ay tinatawag sa Ingles na nobody's native language. Nagkakaroon nito
kapag ang dalawang taal na tagapagsalita ng dalawang magkaibang wika na
walang komong wika ay nagtatangkang magkaroon ng kumbersasyong
makeshift. Madalas, ang leksikon ng kanilang usapan ay hango sa isang wika
at ang estraktura naman ay mula sa isa pang wika. Madalas na bunga ng
kolonisasyon ang barayting ito ng wika. Pansinin ang pananagalog ng mga
Intsik sa Binondo. Ang salitang gamit nila ay Tagalog ngunit ang estraktura
ng kanilang pangungusap ay hango sa kanilang unang wika. Ganito ang
madalas na maririnig sa kanila: Suki, ikaw bili tinda mura.
Ang creole naman ay isang wika na unang naging pidgin at kalaunan
ay naging likas na wika (nativized). Nagkaroon nito sapagkat may komunidad
ng mga tagapagsalita ang nag-angkin dito bilang kanilang unang wika.
Pinakamahusay na halimbawa nito ang Chavacano na hindi masasabing
purong Kastila dahil sa impluwensiya ng ating katutubong wika sa estraktura
nito.
ANTAS NG WIKA
Isa pang mahalagang katangian ng wika ay ang pagkakaroon ng antas.
tulad ng tao, nahahati rin sa iba't ibang kategorya ayon sa kaantasan nito.
Kung tutuusin, ang antas ng wikang madalas na ginagamit ng isang tao ay
isang mabisang palatandaan kung anong uri ng tao siya at kung sa aling
antas-panlipunan siya nabibilang.
Mahalagang maunawaan ng lahat ng tao ang mga antas ng wikang ito
nang sa gayo'y maibagay niya ito sa kanyang katayuan, sa hinihingi ng
panahon at pook at maging sa okasyong dinadaluhan.
Mahahati ang antas ng wika sa kategoryang Pormal at Impormal. Sa
bawat kategorya, napapaloob ang mga antas ng wika.
A. Pormal. Ito ang mga salitang estandard dahil kinikilala, tinatanggap
at ginagamit ng higit na nakararami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika.
1. Pambansa. Ito ang mga salitang ginagamit sa mga aklat
pangwika/pambalarila sa lahat ng mga paaralan. Ito rin ang wikang
kadalasang ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa mga paaralan.
2. Pampanitikan o Panretorika. Ito naman ang mga salitang gamitin
ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan. Ito ang
10
mga salitang karaniwang matatayog, malalalim, makulay at
masining.
B. Impormal. Ito ang mga salitang karaniwan, palasak, pang-araw-
araw na madalas nating gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa
mga kakilala at kaibigan.
1. Lalawiganin. Ito ang mga bokabularyong diyalektal. Gamitin ang
mga ito sa mga partikular na pook o lalawigan lamang, maliban kung
ang mga taal na gumagamit nito ay magkikita-kita sa ibang lugar dahil
natural na nila itong naibubulalas. Makikilala rin ito sa pagkakaroon
ng kakaibang tono, o ang tinatawag ng marami na punto.
2. Kolokyal. Ito'y mga pang-araw-araw na salita na ginagamit sa mga
pagkakataong impormal. Maaaring may kagaspangan nang kaunti ang
mga salitang ito ngunit maaari rin itong maging repinado ayon sa kung
sino ang nagsasalita nito. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang
salita lalo na sa mga pasalitang komunikasyon ay mauuri rin sa antas
nito. Halimbawa, nasa'n (nasaan), pa'no (paano), sa 'kin (sa akin), sa'yo
(sa iyo), kelan (kailan), meron (mayroon)
3. Balbal. Ito ang tinatawag sa Ingles na slang. Sa mga pangkat
pangkat nagmumula ang mga ito upang ang mga pangkat ay
magkaroon ng sariling codes. Mababang antas ng wika ito, bagamat
may mga dalubwikang nagmumungkahi ng higit pang mababang
antas, ang antas-bulgar (halimbawa nito ay mga mura at mga salitang
may kabastusan).
Sa lahat ng antas ng wika, ang balbal ang pinakadinamiko. Maaari
kasing ang usong salitang balbal ngayon ay laos na bukas. Nakatutuwa ring
pag-aralan kung paano nabubuo ang mga salitang ito. Minsan nga, dahil sa
napakasalimuot na prosesong pinagdadaanan ng isang salitang balbal,
nagiging lubhang mahirap nang ugatin ang pinanggalingan nito. Kayrami
ngang kabataang gamit nang gamit ng mga salitang balbal na hindi nila alam
kung paano nabuo.
ChatGPT said:
ChatGPT
Salamat sa detalyadong impormasyon! Ano ang mga tiyak na puntos na nais mong bigyang-diin o pag-usapan tungkol sa Module 2?
You said:
Module 3
Aralin Natin
Nalulugod ako dahil natapos mo na ang bahaging Subukin Natin.
Huwag kang mag-alala kung may ilang aytem kang hindi nasagot
nang tama. Sa mga susunod na bahagi ng SLK ay malalaman mo ang mga
tamang sagot sa mga naturang aytem. Sa bahaging ito, pag-aaralan natin ang
Mga Kalagayang/Sitwasyong Pangwika.
SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON
1. Ang telebisyon ang itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa
kasalukuyan dahil sa dami ng mga mamamayang naabot nito.
2. Ang mabuting epekto ng paglaganap ng cable o satellite connection para
marating ang malalayong pulo at ibang bansa.
3. Wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa bansa na
ginagamit ng mga lokal na channel.
4. Mga halimbawa ng mga programang pantelebisyon na gumagamit ng wikang
Filipino ay mga teleserye, mga pantanghaliang palabas, mga magazine show,
news and public affairs, reality show at iba pang programang pantelebisyon.
5. Ang pagdami ng mga palabas sa telebisyon partikular ang mga teleserye o
pantanghaling programa na sinusubaybayan ng halos lahat ng milyon-
milyong manununood ang dahilan kung bakit halos lahat ng mamamayan
sa bansa ay nakakaunawa at nakakapagsalita ng wikang Filipino.
Mula sa mga programa sa telebisyon, maaring ginagaya ng halos
milyong tao na sumusubaybay nito. Mabuti man o masama, mahalagang
isaalang-alang ang wika sa telebisyon bilang komunikasyong Filipino.
SITWASYONG PANGWIKA SA RADYO AT DYARYO
1. Wikang Filipino ang nangungunang wika sa radyo sa AM man o sa FM.
2. Ang mga estasyon sa probinsya ay gumagamit ng rehiyonal na wika ngunit
kung may kapanayam sila ay karaniwan sa wikang Filipino sila
nakikipag-usap.
3. Sa dyaryo ay wikang Ingles ang ginagamit sa broadsheet at wikang Filipino
naman sa tabloid.
4. Tabloid ang mas binibili ng masa o karaniwang tao sapagkat mas
naiintindihan nila ang wikang ginagamit dito. Ito ang mga katangian ng
isang tabloid:
a. Nagtataglay ng malalaki at nagsusumigaw na headline na naglalayong
maakit agad ang mambabasa.
3
b. Ang nilalaman ay karaniwang senseysyonal na naglalabas ng impormalidad
c. Hindi pormal ang mga salita.
Sa mga nailahad sa itaas matutunghayan natin ang kahalagahan ng
mga wikang napapakinggan. Ang hindi naaabot ng telebisyon maririnig sa radyo
patuloy itong magpapabago sa pananaw ng bawat Filipino.
SITWASYONG PANGWIKA SA PELIKULA
1. Ingles ang kadalasang pamagat ng mga pelikulang Pilipino.
2. Filipino ang lingua franca o pangunahing wika ang ginagamit.
3. Ang pangunahing layunin ay makaakit ng mas maraming manunuod na
malilibang sa kanilang mga palabas at programa upang kumita ng malaki.
4. Malawak ang naging impluwensya dahil sa tulong nito mas marami ng ng
mamayan ng bansa ang nakauunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino.
5. Ang nananaig na tono ay impormal at waring hindi gaanong istrikto sa
pamantayan ng propesyonalismo.
Ito ay isang anyo ng sining, at tanyag na anyo ng mga libangan, at
negosyo, Nililikha ito sa pamamagitan ng pagrekord ng “totoong” tao at bagay
kabilang ang inartre na pantasya at mga pekeng mukha sa kamera.
SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG POPULAR
1. FLIPTOP
a. Pagtatalong oral na isinasagawa ng pa-rap.
b. Nahahawig sa balagtasan dahil ang bersong nira-rap ay magkakatugma
bagamat sa fliptop ay hindi nakalahad o walang malinaw ang paksang
tinatalakay.
c. Gumagamit ng di-pormal na wika at walang nasusulat na iskrip kaya naman
kadalasan ang mga ginagamit na salita ay balbal at impormal at mga
salitang nanlalait.
d. Ang kompetisyon ay tinatawag na “Battle League” at kung isinasagawa sa
wikang ingles ay tinatawag na “Filipino Conference Battle”
Ito ay paligsahan ng mga rapper o mga taong gumagamit ng rap sa
pagsasalita.
2. PICK-UP LINES
a. Makabagong bugtong kung saan may tanong na sinasagot ng isang bagay
na madalas naiuugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto sa buhay.
4
b. Karaniwang wikang Filipino ang ginagamit ngunit may pagkakataon ring
nasa wikang Ingles o kaya naman ay Taglish.
Isang paraan ng pagbubukas ng pag-uusap sa isang kilala o hindi
gaanong kilalang tao upang ipahayag ang saloobin.
3. HUGOT LINES
a. Tawag sa linya ng pag-ibig. Tinatawag ding lovelines o love quotes.
b. Karaniwang nagmula sa linya ng ilang tauhan sa pelikula o telebisyon na na
nagmarka sa puso’t isipan ng mga mnunuod.
c. Minsan ay nakasulat sa Filipino subalit madalas ay Taglish.
Mga salitang nabuo sa pamamagitan ng emosyon. Kadalasan itong
ginagamit upang pahagingan ang isang tao sa iyong naramdaman.
SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT
d. Ang pagpapadala ng SMS (short messaging system) ay isang mahalagang
bahagi ng komunikasyon sa bansa.
e. Humigit kumulang 4 na bilyong text ang ipinapadala at natatangap ng ating
bansa kaya ito ay kinilala bilang “Text Capital of the World”.
f. Madalas ang paggamit ng code switching at madala pinaiikli ang baybay ng
mga salita.
g. Walang sinusunod na tuntunin o rule.
Gamit ang mobile/cellular phones ay patuloy na nagbabago ang
paggamit ng wika at bahagi na ito ng kultura, malaki ang impluwensya nito
sa wika partikular sa paraan ng pagsusulat.
SITWASYONG PANGWIKA SA SOCIAL MEDIA AT INTERNET
1. Ang tawag sa mga taong gumagamit nito ay netizen.
2. Karaniwang may code switching.
3. Mas pinagiisipang mabuti ang mga gagamiting salita bago I post.
4. Ingles ang pangunahing wika dito.
5. Naglalaman ng mga sumusunod
Impormasyon sa ibat ibang sangay ng pamahalaan
Mga akdang pampanitikan
Awitin
Resipe
Rebyu ng pelikulang Pilipino
Impormasyong pangwika
https://filipino101blog.tumblr.com/post/70080208753/amp
5
Patuloy na umuunlad at nagbabago ang mundo, nagbabago rin ang
paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon. Sa komunikasyon, maraming
pamamaraan upang ibahagi ang kaalaman, ideya, damdamin at iba pa gamit
ang wika. Sa itaas, makikita ang iba’t ibang sitwasyong pangwika na
kasalukuyan nating ginagamit.
ChatGPT said:
ChatGPT
Module 3: Mga Kalagayang/Sitwasyong Pangwika
Sitwasyong Pangwika sa Telebisyon
Makapangyarihang Media: Ang telebisyon ay may malaking impluwensiya sa pag-abot sa mga tao.
Cable at Satellite: Nakakatulong ang teknolohiya sa pagpapalawak ng saklaw ng telebisyon.
Wikang Filipino: Ito ang pangunahing midyum ng mga lokal na channel.
Mga Programang Pantelebisyon: Kabilang dito ang teleserye, magazine show, at iba pa.
Epekto sa Wika: Dahil sa mga palabas, maraming tao ang nakakaunawa at nakakapagsalita ng Filipino.
Sitwasyong Pangwika sa Radyo at Dyaryo
Wikang Filipino: Nangunguna ito sa radyo, habang Ingles ang ginagamit sa broadsheet.
Rehiyonal na Wika: Ginagamit ito ng mga estasyon sa probinsya.
Tabloid: Mas madaling maintindihan at mas paborito ng masa.
Headline: Malalaki at nakakaakit.
Nilalaman: Madalas na sensasyonal at hindi pormal.
Sitwasyong Pangwika sa Pelikula
Pamamagitan ng Wika: Ingles ang pamagat, ngunit Filipino ang pangunahing wika.
Layunin: Maghatid ng aliw at kumita.
Impluwensya: Maraming tao ang nakakaunawa ng Filipino dahil dito.
Tono: Impormal at mas maluwag sa propesyonalismo.
Sitwasyong Pangwika sa Ibang Anyong Kulturang Popular
Fliptop: Pagtatalong rap na gumagamit ng di-pormal na wika.
Pick-Up Lines: Makabagong bugtong na madalas kaugnay ng pag-ibig.
Hugot Lines: Emosyonal na linya mula sa mga pelikula o telebisyon.
Sitwasyong Pangwika sa Text
SMS: Isang mahalagang bahagi ng komunikasyon sa bansa.
Text Capital of the World: Tinatayang 4 bilyong text ang ipinapadala.
Code Switching: Madalas na ginagamit sa pagpapadala ng mensahe.
Sitwasyong Pangwika sa Social Media at Internet
Netizen: Mga taong gumagamit ng internet.
Wika: Karaniwang may code switching at Ingles ang pangunahing wika.
Nilalaman: Impormasyon sa iba't ibang paksa.
Pagsusuri at Repleksyon
Ang mga sitwasyong pangwika na ito ay nagpapakita ng dinamismo at pagbabago ng wika sa ating lipunan. Mula sa telebisyon hanggang sa social media, makikita ang mga impluwensya ng teknolohiya at kultura sa paraan ng ating komunikasyon.
Ano ang mga tiyak na aspeto na nais mong talakayin o bigyang-diin mula sa Module 3?
You said:
did i ask for your reflection?
ChatGPT said:
ChatGPT
Sorry about that! If you have specific questions or topics you’d like to focus on from Module 3, just let me know.
You said:
Module 4
Aralin Natin
Nalulugod ako dahil natapos mo na ang bahaging Subukin Natin.
Huwag kang mag-alala kung may ilang aytem kang hindi nasagot nang tama.
Sa mga susunod na bahagi ng SLK ay malalaman mo ang mga tamang sagot
sa mga naturang aytem. Sa bahaging ito, pag-aaralan natin ang Iba’t Ibang
Register at Barayti ng Wika na ginagamit sa iba’t ibang sitwasyon.
Ang wika ay bahagi ng kultura at kasaysayan ng bawat lugar. Ito rin
ay simbolismo tungo sa pagkakakilanlan ng bawat indibidwal. Sa
pamamagitan ng wika, ay nailalabas o naipapahayag natin ang ating mga
emosyon at saloobin, masaya man o malungkot. Ginagawa natin ito sa
pamamaraan ng pagsusulat, pakikipagtalastasan at iba pa.
Ang ating wika ay may iba’t ibang barayti. Ito ay sanhi ng
pagkakaiba ng uri ng lipunan na ating ginagalawan, heograpiya, antas ng
edukasyon, okupasyon, edad at kasarian at uri ng pangkat etniko na ating
kinabibilangan. Dahil sa pagkakaroon ng heterogenous na wika tayo ay
nagkaroon ng iba’t ibang baryasyon nito, at dito nag-ugat ang mga barayti
ng wika, ayon sa pagkakaiba ng mga indibidwal.
Dayalek - Ito ang salitang gamit ng mga tao ayon sa partikular
na rehiyon o lalawigan na kanilang kinabibilangan.
Halimbawa:
Tagalog = Bakit? Ilocos = Bakit ngay?
Batangas = Bakit ga? Pangasinan = Bakit ei?
Bataan = Baki ah?
Idyolek- Bawat indibidwal ay may sariling istilo ng pamamahayag at
pananalita na naiiba sa bawat isa. Gaya ng pagkakaroon ng personal na
paggamit ng wika na nagsisilbing simbolismo o tatak ng kanilang
pagkatao.
Halimbawa:
“Kabayan”- Noli De Castro
“To the highest level na talaga to’=Ruffa Mae Quinto
Sosyolek- minsan ay tinatawag na “Sosyalek” Ito ay pansamantalang
barayti lamang. Ito ay uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na
grupo. Ang mga salitang ito ay may kinalaman sa katayuang sosyo-
ekonomiko at kasarian ng indibidwal na gumagamit ng mga naturang
salita.
3
Halimbawa:
Repapips, ala na ako datung eh (Pare, wala na akong pera)
My God! It’s so mainit naman dito. (Naku, ang init naman dito!)
Wa facelak girlash mo (walang mukha o itsura ang gelpren mo
o kaya ay pangit ng gelpren mo)
Etnolek - Isang uri ng barayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng
mga etnolonggwistang grupo. Dahil sa pagkakaroon ng maraming
pangkat etniko sumibol ang iba’t ibang uri ng Etnolek. Taglay nito ang
mga wikang naging bahagi nang pagkakakilanlan ng bawat pangkat
etniko.
Halimbawa:
Vakul – tumutukoy sa mga gamit ng mga ivatan na pantakip sa
kanilang ulo tuwing panahon ng tag-init at tag-ulan
Bulanim – salitang naglalarawan sa pagkahugis buo ng buwan
Laylaydek Sika – Salitang “iniirog kita” ng mga grupo ng Kankanaey
ng Mountain Province.
Register - minsan sinusulat na “rejister”, ito ay barayti ng wikang
espisyalisadong ginagamit ng isang partikular na domeyn. Ito ay may
tatlong uri ng dimensyon.
Natutukoy ang iba’t ibang register at barayti ng wika sa mga
terminong may kaugnayan sa mga trabaho o iba’t ibang hanap-buhay o
larangan. Kapag narinig ang terminong ito ay matutukoy o masasabi ang
larangan o sitwasyong karaniwang ginagamit ng mga ito.
Ang mga abogado o taong nagtatrabaho sa korte ay maipakikilala ng
sumusunod na mga jargon:
Exhibit Suspect
Appeal court
Complainant justice
Ang mga guro o mga taong konektado sa edukasyon ay maipakikilala
ng sumusunod:
Lesson plan curriculum
Test textbook
Ang mga sumusunod naman ay mga jargon sa disiplinang
Accountancy.
Account balance
Debit credit
Net income gross income
Ayon kay Marietta Alagad-Abad, ang barayti ng wika ay tumutukoy
sa uri o klase ng wikang ginagamit sa isang partikular na teksto o diskors.
4
Nakikita mo ang kaibahan ng isang teksto sa isa pang teksto dahil sa uri ng
wikang ginagamit sa nasabing teksto. Ang uri ng teksto ay dumidepende sa
uri o barayti ng wikang ginagamit sa teskto. Samakatuwid, ang tekstong
panghumanidades ay gumagamit ng wikang masining; ang tekstong
pang-agham ay gumagamit ng wikang sayantipik; ang tekstong pang-
agham panlipunan ay gumagamit ng wikang pansosyal.
Ang barayti ng wika ay naaayon din sa antas nito; kaya mayroon
tayong wikang pambansa, wikang opisyal, wikang lalawiganin, wikang
kolokyal o karaniwan, at wikang islang o balbal.
Ang wika ay maaari ring uriin ayon sa propesyon o disiplina tulad
ng: wikang medikal, wikang pambisnis, wikang akademik, at teknikal.
Maaari namang makilala ang barayti ng wika ayon sa mga institusyong
gumagamit nito tulad ng wikang pampaaralan, wikang pansimbahan,
wikang pampamahalaan, atbp. Sa ngayon, mayroon ding tinatawag na wika
ng bakla at wika ng lasing.
Sanggunian: https://takdangaralin.ph/barayti- ng-wika/at Retorika (Filipino III)
Ang pagkakaroon ng register at iba’t ibang barayti ng wika ay dulot
ng pakikipag-ugnayan ng iba’t ibang pangkat ng mga tao sa loob ng iba’t
ibang phenomenon. Dahil sa ugnayang ito, nalilinang ang wikang may
pagkakaiba sa orihinal o istandard na pinagmulan nito. Kaya sa araling ito
susubukin ang iyong kakayahan at kaalaman.
ChatGPT said:
ChatGPT
What specific aspect of Module 4 would you like to explore further?
You said:
Module 5
Aralin Natin
Ano ang ibig sabihin ng Kakayahang Pangkomunikatibo? At kailan
natin masasabi na ang isang mag-aaral na tulad mo ay may kakayahang
pangkomunikatibo?
Mahalagang matutunan mo bilang mag-aaral ang kakayahang
pangkomunikatibo upang higit na magiging makabuluhan ang iyong
pakikipagtalastasan sa iyong kapwa. Ito ang nilalayon ng ating aralin upang
ihanda ka sa mga gawaing may kinalaman sa pagkakaroon ng mabunga at
makabuluhang interaksyon sa iyong kapuwa.
Bilang isang tao na aktibo sa gawaing pangkomunikasyon, malaki
ang ginagampanang papel ng wika sa ating buhay. Ang wika ang sentro sa
lahat ng ating gawain, higit sa ano pa man, ito ang kaibahan natin sa Iahat
ng bagay na nilikha sa mundo. Hindi magiging normal ang ating pagkilos
kung wala ito. Wika ang pangunahing instrumento na nagbubuklod sa mga
tao hindi lamang sa pakikipagkomunikasyon kundi maging sa pagkilala ng
kultura ng iba’t ibang lipunan. Kung walang wika, hahawak na lang tayo,
3
kukumpas, kikilos, sa halip na magsalita. Kung walang wikang naisulat,
wala tayong pag-alam sa mga pangyayari sa loob at labas ng bansa.
Sa harap ng ganitong mga sitwasyon, mahalaga ring pagtuonan ng
pansin ang kakayahan ng tao na magamit ang wika sa paraang
komunikatibo. Ito ang kakayahan ng tao na magamit ang wika ayon sa
pangangailangan nang wasto at angkop sa isang tiyak na gawain.
Ayon kay Dell Hymes (1972), ang kakayahang komunikatibo ay
hindi lamang tumutukoy sa kakayahang maunawaan ng isang indibidwal
ang wika batay sa estruktura o sa literal na kahulugan nito. Sakop din nito
ang pag-unawa sa iba pang elemento na bumubuo sa proseso ng
pakikipagtalastasan gaya ng konteksto at sitwasyong nakapaloob dito.
Tumutukoy ito sa kakayahan ng indibidwal na magamit ang wika nang
tama batay sa alituntuning panggramatika, sosyo-kultural, at
kontekstuwal o ang abilidad sa angkop na paggamit ng mga pangungusap
batay sa hinihingi ng isang interaksiyong sosyal.
Mahalagang magkaroon ka ng kaalaman at kasanayan sa pagpili ng
angkop na mga salita at paraan ng paggamit nitó sa mga usapan o
talakayan batay sa kausap, pinag- uusapan, lugar, panahon, layunin, at
grupong kinabibilangan.
Narito ang paliwanang ukol sa pagpili ng angkop na mga salita at paraan
ng paggamit nitó sa mga usapan o talakayan batay sa:
1. Kausap. Hindi maikakailang nag-iiba ang gámit at paraan o estilo ng
paggamit ng wika depende sa kausap.
Halimbawa:
Iba ang pamamaraan ng pagsasalita o pananalita maging ng isang
guro kapag ang kausap ay punong-guro kung ihahambing ito sa kaniyang
kapuwa guro o di kaya ay sa kanyang mga mag-aaral.
2. Batay sa pinag-uusapan. Ang mga salita ay nag-iiba ang kahulugan
depende kung ano ang pinag-uusapan.
Halimbawa:
Ang salitang “travel” ay nangangahulugan ng paglalakbay kung ang
pinag-uusapan n’yo ay paglalakbay o bakasyon, subalit sa larong
basketbol, ang “travel” ay tumutukoy sa isang paglabag o violation sa
alituntunin ng laro.
3. Lugar. Ito ay tumutukoy sa lokasyon na siyang sanhi ng pagkakaiba ng
pagpapakahulugan sa mga salita.
4
Halimbawa:
Sa Quezon ang salitang banas ay nangangahulugan ng pagkainis o
pagkayamot, samantalang sa mga karatig lugar nito ang banas ay
nagpapahayag ng mainit na panahon.
4. Panahon. Naiuugnay ito sa oras o pagkakataong binabanggit sa
usapan.
Halimbawa:
Noong dekada 80 hanggang 90 luksong-tinik, tumbang-preso at siyatong
ang mga larong kinagigiliwan ng mga bata, samantalang ngayon
bukambibig ang ML at online games.
5. Layunin. Bawat grupo/pangkat na kinabibilangan ay may sari-sariling
paraan o estilo sa paggamit ng wika. Ang pamaraang ito ay nagpapahiwatig
ng pagiging natatangi nitong estilo na hindi palasak sa ibang
grupo/pangkat na tinatawag na register.
Halimbawa:
Ang paggamit ng bilang ng isang guro sa loob ng klase sa mga pagkakataong
may mga gawaing kailangan ng ipasa ay may naghuhudyat ng pagtatapos
nito at upang pabilisin ang ginagawa o pagpása ng papel.
Reseta. Ito ay isang termino na madalas ay manggagamot lamang ang
gumagamit. Isa itong pamaraan ng paggamit ng salita ng mga doktor na
naiuugnay sa kanilang gampanin bilang manggagamot na makapagbigay
lunas sa may sakit.
Sa pagpasok ng makabagong panahon at pamaraan ng pagkatuto,
higit na dapat pagtuonan ng pansin ang bakit at paano sa paglinang sa mga
kasanayang komunikatibo sa halip na ang tuon ay sa ano at sino lamang.
Kaakibat nito, ang pagkatuto dapat ay umaayon sa teorya ni John B.
Watson (1913) na “Behaviorist Psychology of Learning,” ayon sa kaniyang
paniniwala na ang pagkatuto ng wika ay “habit formation” na binubuo ng
stimulus at response. Kung gayon, ang pagkatuto sa wika ay higit na
nakatuon sa paglinang ng kakayahang komunikatibo kaysa sa simpleng
kabatiran tungkol sa wika. Ang kakayahang komunikatibo ay nauukol sa
kakayahan sa aktuwal na paggamit ng wika sa mga tiyak na pagkakataon.
Ang kakayahang komunikatibo ay isang mahalagang kasanayan na
nararapat taglayin ng kahit na sinong tao sa lipunan. Ang tao ay ay isang
panlipunang nilalang na nangangailangang makihakubilo sa kapwa tao sa
halos lahat ng panahon. Ang isang mag-aaral ay kailangang makisalamuha
sa kapwa nya mag-aaral at sa mga guro sa halos lahat ng pagkakataon,
lalung-lao na kung nasa paaralan. Kung kaya ay nararapat lamang hasain
5
dahil malaki ang maitutulong nito bilang preparasyon sa mapipiling karera
ng isang mag-aaral sa hinaharap.
ChatGPT said:
ChatGPT
It looks like you’re studying the concept of kakayahang pangkomunikatibo or communicative competence. This idea emphasizes not just understanding language structure but also using language appropriately in various contexts. It’s essential for effective interaction, especially in educational settings.
If you have specific questions or topics within this module you want to explore, feel free to ask!
You said:
Module 6
Aralin Natin
Nalulugod ako dahil natapos mo na ang bahaging Subukin Natin.
Huwag kang mag-alala kung may ilang aytem kang hindi nasagot nang tama.
Sa mga susunod na bahagi ng SLK ay malalaman mo ang mga tamang sagot
sa mga naturang aytem. Sa bahaging ito, pag-aaralan natin ang kakayahang
pragmatik at kakayahang diskorsal sa pagtiyak ng layunin sa talastasan
batay sa iba’t ibang konteksto.
2
Pragmatiks - isang sangay ng lingguwistika na inilalarawan bilang pag-
aaral ng ugnayan ng mga anyong lingguwistiko at mga gumagamit nito
❖ Binibigyang pansin dito ang ang gamit ng wika sa mga kontekstong
panlipunan gayundin kung paano lumilikha at nakauunawa ng
kahulugan ang tao sa pamamagitan ng wika (Yule, 1996).
❖ Sa pag-aaral ng wika mula sa pananaw ng mga gumagamit nito
mahalaga sa pag-unawa ng anomang sitwasyong komunikatibo ang
pagtukoy sa kahulugan ng mga mensahe, lantad man ito o hindi.
❖ Maliban dito, mahalagang matukoy ng mga gumagamit ng wika ang
mga hadlang na kanilang nararanasan gayundin ang epekto ng
wikang gamit sa iba pang taong kasangkot sa proseso ng
komunikasyon.
❖ Sang-ayon naman kina Badayos at mga kasama (2010), ang
pragmatiks ay kinapapalooban ng tatlong pangkalahatang
kakayahan sa komunikasyon: (1) ang gamit ng wika sa iba’t ibang
layunin gaya ng pagbati, pagbibigay- impormasyon, pagnanais,
paghiling, at pagbibigay-pangako: (2) paghiram ng pagbabago ng
wikang gagamitin batay sa pangangailangan o inaasahan ng
tagapakinig at/o sitwasyon: (3) pagggamit ng tuntunin sa isang
talastasan at mga naratibong dulog gaya ng pagkukuwento,
pagbibigay ng ulat at iba pa.
▪ Pinaliliwanag ng pragmatiks ang ugnayang linguwistiko ng mga taong
gumagamit ng wika sa iba’t ibang konteksto gaya ng sosyal at
kultural. Ang mga mensaheng posibleng maghatid ng lantad o
tuwirang kahulugan at di-lantad o di-tuwirang kahulugan sa isang
talastasan ng mga taong kasangkot sa usapan.
Pinagkunan: Nuncio et al, Sidhaya 11Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino Quezon City: C&E Publishing, 2016, 293
❖ Samantalang ayon naman kina Lightbown at Espada (2006) ang
pragmatiko ay tumutukoy sa pag-aaral sa paggamit ng wika sa isang
partikular na konteksto upang magpahayag sa paraang diretsahan o
may paggalang.
❖ Ibig sabihin, ang isang taong may kakayahang pragmatiko ay
mabisang nagagamit ang yaman ng wika upang makapagpahayag ng
mga intensiyon at kahulugang naaayon sa konteksto ng usapan at
gayundin, natutukoy ang ipinahihiwatig ng sinasabi, di-sinasabi, at
ikinikilos ng kausap.
❖ Kadikit sa paglinang sa kakayahang pragmatiko ang konsepto ng
speech act. Para sa pilosopo sa wika na si J.L Austin (1962; sipi kay
Holf 20010), ang pakikipag-usap ay hindi lamang paggamit ng mga
3
salita upang maglarawan ng isang karanasan kundi “paggawa ng mga
bagay gamit ang mga salita “o speech act. Halimbawa nito ay
pakikiusap, pagtanggi, pagpapaumanhin, pangangako at iba pa.
❖ May tatlong sangkap ang speech act: (1) ang sadya o intensiyonal na
papel nito o illocutionary force; (2) ang anyong lingguwistiko o
locution; at (3) ang epeko nito sa tagapakinig o perlocution:
Sangkap Kahulugan Halimbawa Halimbawang
Pangungusap
illocutionary
force
sadya o
intensiyonal na
papel
pakiusap,
utos, pangako,
pagsasakatuparan
ng bagay o
mensahe batay sa
nais o intensiyon
ng tagapaghatid
Sasamahan
kitang
kumain sa
labas.
(pahiwatig ng
pangako)
Maaari mo ba
akong
samahan sa
labas?
(pakiusap)
Locution anyong
lingguwistiko,
literal na
paglalarawan at
pagkaunawa sa
ginamit na wika
patanong,
pasalaysay,
iniuulat,
sinusubok,
Iniuulat niya
ang nagap na
lindol sa
bahagi ng
Magsaysay,
Davao del
Sur.
Perlocution epekto sa
tagapakinig,
nagpapahayag ng
bisa, puwersa
Pagtupad sa
pangako
Tumupad siya
sa kanyang
pangako.
Pinagkunan: Taylan et al, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino Sampaloc, Manila: Rex Bookstore, 2016, 113; Nuncio et al,
Sidhaya11Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Quezon
City: C&E Publishing, 2016,306
❖ Ang pragmatik ay kinapapalooban ng tatlong pangkalahatang
kakayahan sa komunikasyon:
(1) Gamit ng wika sa iba’t ibang layunin-gaya ng pagbati, pagbibigay
impormasyon, pagnanais, paghiling at pagbibigay pangako
4
(2) Paghiram o pagbabagong wikang gagamitin batay sa
pangangailangan o inaasahan ng tagapakinig at/o sitwasyon gaya
ng pakikipag-usap sa magulang sa kanyang sanggol na anak,
pagbibigay impormasyon sa mga taong hindi ka pamilyar at
pakikipag-usap ng titser sa kanyang estudyante sa loob ng
klasrum o sa mall.
(3) Paggamit ng mga tuntunin sa isang kombersasyon at mga
naratibong dulog gaya ng pagkukuwento, pagbibigay ng mga
report at iba pa.
Pinagkunan: Badayos et al, Komunikasyon sa Akademikong Filipino Malabon
City: Mutya Publishing, 2010, 121
❖ Saligan ng larangan ng pragmatik ang pag-aaral ng wika mula sa
pananaw ng mga gumagamit nito, partikular ang kanilang
pagpipilian, ang mga balakid na nararanasan sa paggamit ng wika sa
isang interaksiyonal na konteksto, at ang epekto ng paggamit nila ng
wika sa iba pang tao na sangkot sa proseso ng pakikipagtalastasan
(Crystal, 1997 na binanggit ni Bardovi-Harlig, 2012 sa akda nina
Lenchu at Ahmek, 2013).
❖ Tinataya sa teoryang Pragmatik na ang isang mahusay na diskurso
ay palaging nakabatay sa kinalalagyang sitwasyon ng mga taong
sangkot sa isang usapan. Maaaring magkaroon ng pagkakaiba-iba
ang mga tuntuning nabanggit batay sa kultura at konteksto.
Kakayahang Pragmatik - kakayahang iparating ang isang tukoy na
mensahe, ang lantad at di- lantad nitong kahulugan sa anomang konteksto
hinggil sa kultura, at gayundin ang pagbibigay kahulugan dito ng
tagatanggap ng mensahe sang-ayon na rin sa nais iparating ng
tagapaghatid nito. Ang pagtamo ng kakayahang pragmatik ay nakasalalay
sa kritikal na kamalayan at atensiyon sa mga sosyolingguwistiko at sosyo-
kultural na elementong nakapailalim sa mga pagkilos at pag-uugali ng mga
nag-uugnayang tagapagsalita o ang tinatawag na interlokyutor ng wika.
➢ Mahalagang elemento ang pag-alam sa kumbesiyon ng
sosyolingguwistika upang maisakatuparan ng may kaangkupan ang
gamit ng wika sa isang konteksto
➢ Makakamtan ito sa pamamagitan ng pag-alam sa layunin ng
pakikipag-usap, sa ugnayan ng mga sangkot sa usapan, sa paksa at
sa sitwasyong umiiral sa usapan.
➢ Maaaring may lumitaw na puwang sa pag-unawa ng mensahe sa
pagitan ng tagapaghatid at tagatanggap nito gayundin ang pagganap
ng komunikatibong aksiyon bunsod ng pagkakaiba ng kaalaman,
personalidad, kultura at kinalalagyang sitwasyon.
5
➢ Upang matugunan ito ang kakayahang pragmatik ang magsisilbing
tulay para maging mabisa ang komunikasyon bunsod ng pagiging
malay sa iba’t ibang gamit ng wika para sa iba’t ibang layunin at
intensiyon.
➢ Ang pagsusuring pragmatik sa kahulugan ng mga pahayag ay
nauugnay sa pag-aaral ng mga bagay na nailalahad ng
tagapagsalita/manunulat at binibigyang-pagpapakahulugan ng
tagapakinig/mambabasa. Ito ay nakatuon sa kung ano ang
pakahulugan sa sinabi o sinulat kaysa mismong kahulugan ng mga
salita, parirala, at pangungusap.
Gricean pragmatics- ni Paul Grice sa mga batayang teorya ng pragmatiks.
Para sa kanya, ang bawat mensahe ay mayroong kahulugan para sa mga
tagapagsalita (speaker meaning). Para maituring na isang kahulugan ang
mensaheng nabanggit, nararapat na may rason o dahilan ang tagapakinig
na may intensiyon ang tagapagsalita sa paghahayag ng kahulugang ito
(Allott, walang petsa) Samakatuwid, ang pagsusuring pragmatik ay
nakatuon sa speaker meaning o ang kahulugan ng mensahe ayon sa
tagapagsalita na nakasulat sa konteksto kung paano ito tatanggapin ng
mga tagapakinig ng tagapagsalita.
✓ Sa akto ng pakikipagtalastasan, may layuning makamtan ang mga
taong kasangkot sa proseso.
Halimbawa:
Tagapagsalita: “Nilalamig ako.”
Tagapakinig (kahulugan-interpretasyon): hindi kinakaya ang
nararanasang lamig na temperature sa kapaligiran, masama ang kanyang
pakiramdam, may nakabukas na bintana o bahagi ng lugar na
pinagmumulan ng lamig, at iba pa.
✓ Ang nabanggit na pagbigkas ng salita o paggamit ng wika ng
interlokyutor (speech act) para sa pagganap ng isang gawain ay
maaaring magbunga ng iba’t ibang aksiyon depende sa
mahihinuhang intensiyon ng tagapakinig mula sa nasabing
komunikatibong sitwasyon.
✓ Ang tagapakinig ay maaaring tumugon sa pamamagitan ng gagawing
aksiyon batay sa naoobserbahan at nauunawaang pisikal,
panlipunan, at kultural na konteksto o kalagayan, gayundin ang
nahihinuhang layunin ng pagsasalitang interlokyutor.
✓ Dahil nakitang nilalamig ay: maaaring siya ay bigyan ng dyaket,
anomang bagay na makapagbabawas sa nararamdamang lamig,
kung ang lamig ay bunga ng mataas na temperature sa katawan,
gamot ang kanyang kinakailangan; o kung nakikitang malamig ang
kapaligiran dahil sa pagiging bukas nito, maaaring maisip ng
6
tagapakinig na bawasan ito sa pamamagitan ng pagsasara ng
pinagmumulan ng lamig.
✓ Kapag natunghayan na mismo ng tagapakinig ang intensiyon ng
tagapagsalita sa kanyang sinabi (maaaring kumpirmahin ito sa
pamamagitan ng kanyang pagtatanong, mapatutunayan ang pagiging
wasto ng kanyang hinuha hinggil sa mensaheng ipinarating.
❖ Batay sa nabanggit na halimbawa, ang nilalayong mensahe ng isang
pahayag ay maaaring lantad o hindi lantad.
❖ Bahagi ng pagsusuring pragmatik ang paggalugad sa paraan ng
paghihinuha (inferencing) ng isang mambabasa/tagapakinig sa
mensaheng natanggap, kabilang dito ang mga “hindi nakikitang
kahulugan (invisible meaning).
❖ Ang paglikha at pag-unawa sa mga nilalayong kahulugan sa mga
partikular na konteksto ay nabibigyang daan sa mga batayan ng
pagpili ng sasabihin o hindi sasabihin, kung ano at paano ito
sasabihin o gagawin.
❖ Panukala ni Grice na ang talastasan o usapan ay nararapat
nakasalalay sa pinagbabahaginang (principle of cooperation)
❖ Ang mga patakaran sa talastasan (conversational maxims) ay
ginagamit para maging akma ang mga pahayag ng prinsipyo ng
pagtutulungan (principle of cooperation) ng mga magkausap. Ang
mga patakarang ito ay may kinalaman sa dami, uri, pagiging akma
sa panahon, at pamamaraan.
1. Tungkol sa dami (maxim of quantity) ay kailangang gawing
impormatibo at naaayon sa hinihingi ng pagkakataon ang
kontribusyon ng nagsasalita sa usapan.
2. Tungkol sa uri (maxim of quality), hindi dapat magbigay ng
impormasyon tungkol sa isang bagay nang hindi nalalaman kung
totoo, o kung kulang ang patunay.
3. Tungkol sa pagiging akma (maxim of relevance) ay
ipinagpapalagay ng nakikinig na makabuluhan sa paksang pinag-
uusapan ang sinasabi ng nagsasalita.
4. Tungkol sa pamamaraan (maxim of manner) ay ipinapalagay na
maliwanag at hindi malabo ang sinasabi ng nagsasalita at hindi
nito ipagkakait ang anomang bagay na mahalaga sa usapan.
▪ Binigyang pansin ng Kakayahang pragmatik ang pagbibigay ng tiyak
na kahulugan sa mga mensaheng lantad at di-lantad. Kailangan ng
kritikal na pag-iisip, kamalayan at pokus sa mga sosyolingguwistiko
at sosyo-kultural na elementong nakapaloob sa mga kinikilos at
maging sa pag-uugali ng mga ng taong tagapagsalita ng wika.
Nagkakaroon ng pagpapakahulugan ang mga tagapakinig batay na
7
rin sa kung anong intensiyon ang nais na iparating ng tagapagsalita
alinsunod sa patakaran ng talastasan.
Pinagkunan: Nuncio et al, Sidhaya 11Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino Quezon City: C&E Publishing, 2016, 294
Konteksto - gaya ng inilahad ni Hymes sa kaniyang SPEAKING theory,
tungo sa ikatatagumpay ng isang pakikipagtalastasan, mainam na makita
ang kabuoang konteksto (setting, participants, ends, acts, keys,
instrumentalities, norms at genre) Sa pamamagitan nito, maaaring
mapaangat ang sensitibi ng dalawang nag-uusap.
Pinagkunan: Badayos et al, Komunikasyon sa Akademikong Filipino Malabon City:
Mutya Publishing, 2010, 120
Diskurso-tumutukoy sa pagpapahayag ng mga ideya, nosyon, teorya, at
pangkalahatan, ang kahulugang maaaring nasa pasulat o pasalitang
paraan, tinuturing na pagpapalitan ng pagpapahayag
• Nagmula sa Middle English na discourse na mula sa Medieval at late
Latin na diskursus na nangangahulugang “argumento” at
kumbersasyon” (Garcia, 708:780)
• Hindi lamang wika ang tinutukoy sa diskurso kundi ang aktuwal na
gamit nitong lampas sa usapin at gramatika
• Maaaring suriin ang diskurso sa pamamagitan ng pagtingin sa
ugnayan ng wika at ng konteksto kung saan ito ginamit
Halimbawa:
Paraan Halimbawa
Pasalitang diskurso pag-uusap gaya ng
pagkukuwentuhan, debate at
kumustahan
Pasulat na diskurso Liham at korespondensiyang
nangangailangan ng tugon
Kakayahang Diskorsal- (discourse competence) na nagbibigay-pansin sa
kakayahang bigyan interpretasyon ang isang serye ng mga napakinggang
pangungusap upang makagawa ng isang makabuluhang kahulugan
• Ang tagumpay ng pag-unawa sa isang diskurso ay sang-ayon sa
kaalamang taglay ng nag-uusap, “world knowledge” ng mga nag-
uusap at maging kaalamang lingguwistika, istruktura at diskurso, at
kaalaman sa social setting (Tiongan, 2011).
8
▪ Ang diskurso ay pagpapahayag sa pasalita o pasulat na paraan.
Samantalang ang kakayahang diskorsal naman ay ang pagbibigay
interpretasyon o kahulugan sa mga napakinggan upang
makapagbigay ng pagpapakulugan sa mensaheng natanggap.
ChatGPT said:
ChatGPT
In Module 6, you’re diving into kakayahang pragmatik (pragmatic competence) and kakayahang diskorsal (discourse competence), which are essential for effective communication.
Key Concepts:
Pragmatics:
Focuses on how language is used in social contexts.
Emphasizes the relationship between linguistic forms and their users.
Important for understanding both explicit (lantad) and implicit (di-lantad) meanings in communication.
Involves three main abilities:
Using language for different purposes (e.g., greeting, requesting).
Adapting language to the listener’s needs and the situation.
Following conversational norms and narrative forms.
Speech Acts:
Introduced by J.L. Austin, this concept emphasizes that speaking is not just about conveying information but also performing actions (e.g., requesting, promising).
Consists of:
Illocutionary force: the speaker's intention.
Locution: the literal meaning.
Perlocution: the effect on the listener.
Context:
According to Hymes, successful communication depends on understanding the full context (setting, participants, ends, acts, keys, instrumentalities, norms, genre).
Discourse Competence:
Involves interpreting a series of spoken or written sentences to create meaningful understanding.
Success relies on the shared knowledge of the speakers, linguistic awareness, and social context.
Practical Applications:
Understanding pragmatics helps in recognizing the subtleties of language use in different social situations, which is crucial for effective interaction.
Developing discourse competence allows you to interpret and respond appropriately to various communicative situations, enhancing your overall communication skills.
If you need further clarification or have specific questions about these concepts, just let me know!
You said:
Module 7
Aralin Natin
Simulan natin ang pagpapaunlad ng iyong kaalaman at kakayahan
sa pamamagitan ng pagtalakay sa araling ito - Konsepto ng Pananaliksik
ANG PANANALIKSIK
Ang pananaliksik ay sistematikong pagtatala mo ng iyong
obserbasyon sa isang pinatutunayang teorya. Ito ang proseso, pamamaraan
at istratehiya na ginagamit ng mananaliksik na gaya mo upang makatuklas
ng kasagutan sa iyong mga katanungan gamit ang metodong empirical.
(Mabilin, et al. (2012)
Ayon kina Medel at Manuel (1976), ito’y isang proseso ng impormasyon
na gumagamit ng siyentipikong pamamaraan sa paglutas ng isang
suliranin.
Ayon naman kay Aquino (1974), ito’y isang sistematikong paghahanap
ng mga pertinenteng mga impormasyon o datos hinggil sa isang tiyak na
paksa o suliranin. Matapos ang maingat at sistematikong paghahanap ng
mga pertinenteng impormasyon o datos hinggil sa isang tiyak na paksa o
suliranin at matapos suriin at lapatan ng interpretasyon ng mananaliksik
ang mga nakalap niyang datos ay mahaharap siya sa isa pang esensyal na
gawain – ang paghahanda ng kaniyang ulat-pananaliksik.
Sa aklat ni Bernales (2003), ang pananaliksik ay isang maingat,
kritikal, disiplinadong pagtatanong at paghahanap ng sagot sa
pamamagitan ng iba’t ibang paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng
natukoy na suliranin tungo sa paglilinaw at resolusyon nito (Good, 1963).
4
Ayon kay Shuttleworth (1998), ang pananaliksik ay metodikal na pag-
aaral upang mapatunayan ang isang haypotesis o sagot sa isang
ispesipikong katanungan. Ang pag-alam at pagtunton sa tiyak na sagot sa
problema ang pangunahing layunin ng isang prosesong eksperimental na
pananaliksik. Ang pananaliksik ay kailangang sumusunod sa mga tiyak na
gabay sa istandardisadong protocol o pagkakasunod-sunod sa
pagsasagawa ng pag-aaral. Ito ay kailangang sumailalim sa organisadong
pagpaplano at pag-aaral ng kaugnay na literatura sa pinatutunayang
teorya.
Pinagkunan: Belleza at Dipolog (2019). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino. Diocesan Publishing House, Inc.
Katuturan ng Pananaliksik
➢ Ayon sa mga dalubhasa, ang pananaliksik ay paraan ng paghahanap
ng teorya, pagsubok ng teorya, o paglutas ng isang suliranin.
➢ Ayon kay Fred Kerlinger (1973), ang pananaliksik ay isang
sistematiko, kontrolado, empirikal, at kritikal na imbestigasyon ng
mga proposisyong haypotetikal tungkol sa mga natural na
pangyayari.
➢ Ang pananaliksik ay isang sining. Maraming paraan ang maaaring
gamitin sa pananaliksik.
➢ Pagtuklas sa mga teorya na gamit sa komprehensibong pag-aaral.
➢ Mula sa depinisyon na inilahad at iba pang iskema; maaaring ganito
mabigyan ng lagom ang mahalagang konsepto na dapat tandaan sa
pananaliksik.
Sa Pananaliksik nalilinang ang pagkuha ng malalim na kaalaman ng
mga paksa na kanilang pinag-aaralan, makilala ang kanilang mga
kalakasan at kahinaan at malaman kung paano pakikitunguan ang mga
kahinaang ito, malinang ang kahusayan sa pagsulat, makabubuo ng
mga independiyenteng kasanayan sa pananaliksik, at at matuto ng
tamang pammahala ng oras.
Katangian ng Pananaliksik
✓ Obhetibo
✓ Mayaman sa ginagamit na mga datos
✓ May angkop na pamamaraan o metodolohiya
✓ Maayos ang dokumentasyon
✓ May sinusunod na tamang proseso sa pagsulat
✓ Kritikal
Ang mga katangiang ito ay nakatutulong upang maayos at maging
makabuluhan ang proseso ng pananaliksik.
5
Mga Layunin sa Pagsasagawa ng Pananaliksik
• makatuklas ng mga bagong impormasyon, ideya, at konsepto;
• makapagbigay ng bagong pagpapakahulugan o interpretasyon sa dati
nang ideya;
• mabigyang-linaw ang isang mahalagang isyu o paksa;
• makapagbigay ng mungkahing solusyon sa suliranin;
• makapagpapatotoo o makapangangatuwiran sa tulong ng mga
mapananalagiang materyales o dokumento tungkol sa mga paksang
nangangailangan ng paglilinaw; at
• makapagbigay ng mga ideya o mungkahi batay sa pangkasaysayang
perspektibo para sa isang pangyayari o senaryo.
Sa kabuoan, ang pinakamahalagang layunin ng pananaliksik ang
preserbasyon at pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng tao.
Responsibilidad ng Mananaliksik
❖ Pagkamatiyaga
❖ Pagkamapamaraan
❖ Pagkamasistema sa gawain
❖ Pagkamaingat
❖ Pagkamapanuri o kritikal
❖ Pagkamatapat
❖ Pagiging responsible
Ang mananaliksik ay kinakailangan na magiging responsable sa
kaniyang isinusulat upang hindi magkakaproblema sa hinaharap. Ang
pagiging matapat sa kaniyang isinusulat ang magbibigay sa kaniyang
kredibilidad bilang isang mananaliksik.
Uri ng Pananaliksik
1. Empirikal o Mala-siyentipiko
➢ Nangangailangan ng malalim na pagsusuri ng mga ebidensiya at
aktuwal na mga datos. Ito’y nailalarawan, naihahambing, at natutuos
upang makita ang relasyon ngg haypotesis sa panukalang tesis o
disertasyon na isang trabahong siyentipiko.
2. Applied Research
➢ Gumagamit ng sopistikasyon, sapagkat ito’y konklusyon at
estadistika. Karaniwang ito’y bunga ng madaling pagsasagawa ayon
sa hinihinging panahon. Ang isang mahusay na halimbawa nito’y sa
panahon ng eleksiyon. Gumagamit ito ng prediksiyon na
nagkakatotoo. Ginagawa rin ito sa benta ng kalakal sa ilalim ng
6
adbertisment. Ang mabisang resulta nito ay depende sa sarbey at
mga napiling sampling.
3. Pure Research
➢ Ginagawa ito sa sariling kasiyahan ng isang tao upang maunawaan
ang isang bagay na gumugulo sa kaniyang isipan. Maaari naman
itong gawin ayon sa hilig ng mananaliksik.
Mga Paraan ng Pananaliksik
A. Palarawan (Descriptive Method)
➢ Ito ay idinisenyo para sa mananaliksik tungkol sa isang kalagayan sa
kasalukuyan. Ipinaliwanag ni Best (1963) na ang palarawang
pananaliksik ay isang imbestigasyon na naglalarawan at nagbibigay-
kahulugan tungkol sa isang bagay o paksa. Ito ay may kinalaman sa
mga kondisyon ng mga ugnayang nagaganap, mga gawaing umiiral,
paniniwala at prosesong nagaganap, mga epektibong
nararamdaman, o mga kalakarang nalinang.
Uri ng Palarawang Paraan
1. Pag-aaral ng Kaso (Case Study)
➢ Ang paraang ito ay detalyadong pag-aaral tungkol sa isang tao o yunit
sa loob ng sapat na panahon.
2. Sarbey
➢ Ang mga sarbey na pag-aaral ay ginagamit para sukatin ang umiiral
na pangyayari nang hindi nagtatanong kung bakit ganoon o ganito
ang isang bagay, paksa, o pangyayari.
Lawak ng Sarbey
2.1 Sensus – isang sarbey na sumasaklaw sa buong target na
populasyon.
2.2 Sarbey – isang bahagi lamang ng populasyon
3. Mga Pag-aaral na Debelopmental
➢ Sa paraang debelopmental, nagtatakda at kumukuha ng
mapanghahawakang impormasyon tungkol sa pangkat ng mga tao
sa loob ng mahabang panahon.
Dalawang Teknik na Ginagamit sa Pagsasagawa ng Pananaliksik
na Debelopmental
3.1 Longitudinal o Mahabang Panahong Paraan
✓ Sa paraang ito, pinag-aaralan ang prosesong sampol ng mga
kalahok sa loob ng mahabang panahon.
3.2 Kros-seksiyonal na Paraan (Cross Sectional Method)
7
✓ Tungkol ito sa pag-aaral ng mga kalahok na may iba’t ibang
gulang at iba pang mga katangian.
4. Mga Pasubaybay na Pag-aaral (Follow-up Studies)
➢ Ginagamit ito kung ibig na masubaybayan ang isang tiyak na
prediksiyon. Ang pasubaybay na pag-aaral ay kailangan kung ibig
tiyakin ang maaaring bunga ng isang pag-aaral.
Halimbawa:
Ibig tiyakin ng mananaliksik kung paano makatutulong ang gamit ng
wikang Filipino sa mga sabjek na nasa disiplinang Agham
Panlipunan.
5. Dokumentaryong Pagsusuri (Documentary Analysis)
➢ Nangangailangan ng pagkalap ng mga impormasyon sa pamamagitan
ng pagsusuri ng mga nakasulat na rekord at mga dokumento upang
malutas ang suliranin.
6. Patakarang Pagsusuri (Trend Analysis)
➢ Isang popular na paraan ng palarawang pag-aaral na tinatawag din
ng iba na feasibility study. Ginagamit na datos sa pag-aaral na ito
ang mga kondisyong umiiral sa kasalukuyan.
7. Mga Pag-uugnay na Pag-aaral (Correlational Studies)
➢ Isang palarawang pag-aaral na idinisenyo para alamin ang iba’t ibang
baryabol na magkakaugnay o may relasyon sa isa’t isa sa target na
populasyon.
B. EKSPERIMENTAL NA PARAAN
➢ Sinabi ni Gay (1976), na ito ang pamaraan ng pananaliksik na tunay
na makasusubok sa palagay o hipotesis tungkol sa ugnayang sanhi
at bunga. Idinagdag ni Ary at mga kasama (1972), na ang
eksperimento ay kadalasang itinuturing na pinakasopistikadong
pamaraan ng pananaliksik para subukin ang mga palagay o
hipotesis.
8
MGA HAKBANG SA PANANALIKSIK
Ang mga hakbang na ito ay makakatulong upang maging epektibo
at makabuluhan ang ginawang pananaliksik.
Pinagkunan: Magdalena O. Jocson, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino Quezon City: Vibal Group, Inc., 2016, 274-288
Gawin Natin
Pagkatapos mong mabasa ang aralin na makikita sa itaas. Ngayon
naman, gawin natin at sagutin ang mga katanungan na inihanda upang
masuri ang kaalaman sa aralin.
Panuto: Magbigay ng mga salitang maaari mong maiugnay sa salitang
PANANALIKSIK. Gawin ang dayagram na nasa ibaba at sagutin ang
mga sumusunod na mga katanungan. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.
Pagpili at Paglilimita ng Paksa
Pagbuo ng Konseptong Papel
Pagbuo ng Balangkas
Pagkuha, Paggamit, at
Pagsasagawa ng mga Datos
Paggamit ng Iba’t Ibang
Sistema ng Dokumentasyon
Pagsulat ng Pinal ng Sipi
Pagsulat ng Burador
ChatGPT said:
ChatGPT
Mukhang interesado ka sa konsepto ng pananaliksik! Anong partikular na bahagi ng araling ito ang nais mong talakayin nang mas malalim?
You said:
Module 8
Aralin Natin
Simulan natin ang pagpapaunlad ng iyong kaalaman at kakayahan
sa pamamagitan ng pagtalakay sa aralin na ito - Pagsulat ng Panimulang
Pananaliksik
Gabay sa Paggawa ng Panimulang Pananaliksik
1. PAGTUKOY NG PAKSA – ito ay dapat alam mo, nakawiwili,
mapagkukunan ng datos, may sanggunian, may kabuluhan at
magagawan ng kongklusyon. Hal: Mga inaasahang oportunidad
naming mag-aaral sa pagtatapos ng Senior High School.
2. PANIMULANG TANONG AT LAYUNIN –- mga uri ng tanong
(praktikal na tanong, espekulatibo o pilosopikal na tanong,
panandalian, tentatibong tanong, imbestigatibong tanong).
Hal: tiyak na tanong: Ano ang mga oportunidad na naghihintay sa
mga estudyante sa pagtatapos nila ng Senior High School? (tanong
na tentatibo at praktikal) - Ilahad ang layunin ng pag-aaral
Hal: malaman, matimbang, at mapili ng mga mag-aaral ang mga
oportunidad na naghihintay sa kanila matapos ang Senior High
School.
3. TENTATIBONG BIBLIYOGRAPIYA- Magsaliksik ng mga kaugnay
na literatura at pag-aaral sa paksang pinag-aaralan.
Maaaring saliksiking:
a. Ang SHS curriculum at mga track na pagpipilian
4
b. Mga kasanayang pangwika at iba pang kakayahan na
kakailanganin
c. Mga trabahong naghihintay sa mga nagtapos ng SHS
MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK
Gawing batayan ang halimbawang pananaliksik na nakalagay sa kasunod
na kahon upang lubusang maintindihan ang bawat bahagi ng pananaliksik.
KABANATA 1: ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
Ang Panimula o Introduksyon Ito ay kinapapalooban ng
pangkalahatang pagtalakay ng isang paksa sa pananaliksik.
Layunin ng Pag-aaral ay pangkalahatang paglalahad ng layunin o
dahilan kung bakit isinasagawa ang pananaliksik. Nakatuon din dito
ang mga suliranin na nasa anyong patanong.
Kahalagahan ng Pag-aaral ang paglalahad ng kahalagahan sa
pagsasagawa ng pag-aaral ng paksa sa pananaliksik. Inilalahad dito
kung sino ang makikinabang sa nasabing pag-aaral.
Saklaw at Limitasyon ang tumutukoy sa simula at hangganan ng
pananaliksik at dito rin itinatakda ang sakop ng pag-aaral.
Depinisyon ng mga Terminolohiya ang bumubuo sa mga
katawagang makailang ginamit sa pananaliksik at ang bawat isa'y
binigyan ng kahulugan. Maaaring itong:
o Operasyunal na Kahulugan - kung paano ito ginamit sa
pananaliksik
o Konseptuwal na Kahulugan - istandard na kahulugan
Makikita sa diksyunaryo gumamit ng pag-aaral at literaturang
lokal at dayuhan
KABANATA II: MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
Mahalaga ang kabanatang ito dahil ipinapaalam dito ng
mananaliksik ang kasalukuyang antas ng kaalaman kaugnay ng kanyang
pag-aaral. Literaturang kaugnay ng paksa ng pananaliksik. Kailangan
ding matukoy ng mananaliksik kung sino-sino ang may-akda ng naunang
pag-aaral
Hanggat maaari, ang mga pag-aaral at literaturang tutukuyin at
tatalakayin dito ay iyong mga bago o nalimbag sa loob ng huling sampung
5
taon. Pilitin ding gumamit ng mga pag-aaral at literaturang lokal at
dayuhan.
Ang Listahan ng Sanggunian ay isang kumpletong tala ng lahat ng
mga hanguan o batayan na ginamit ng mananaliksik sa pagsulat ng
pamanahong papel.
KABANATA III: DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
Ang kabanatang ito ay nahahati sa mga sumusunod na bahagi:
Disenyo ng Pananaliksik. Nililinaw sa bahaging ito kung anong uri
ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral. Para sa inyong
pamanahong-papel, iminumungkahi ang pinasimple, deskriptiv-
analitik na isang disenyo ng pangangalap ng mga datos at
impormasyon hinggil sa mga salik na kaugnay ng paksa ng
pananaliksik
Respondente. Dito tinutukoy sa bahaging ito ang mga kasangkot sa
pag-aaral na sumagot sa sarbey at maging ang bilang. Binaggit din
sa bahaging ito ang kanilang profayl at paraan kung paano sila napili.
Instrumento ng Pananaliksik. Inilalarawan nito ang paraang
ginagamit ng pananaliksik sa pangangalap ng mga datos at
impormasyon. Iniisa-isa rin ang mga hakbang na ginawa at kung
paano at bakit niya ginawa ang bawat hakbang.
Tritment ng mga Datos. Sa bahaging ito inilalarawan kung anong
istatistikal na paraan ang ginamit upang ang mga numerikal na datos
ay mailalarawan. Dahil ito'y isang pamanahong-papel lamang, hindi
kailangang gumamit ng mga kompleks na istatistikal tritment. Sapat
na ang pagkuha ng porsyento o bahagdan matapoos mai-tally ang
mga kasagutan sa kwestyoneyr ng mga respondente.
KABANATA IV: PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA
DATOS
Inilalahad sa kabanatang ito ang mga nakalap na mga datos ng
mananaliksik sa pamamagitan ng tekstwal at tabular o grafik na
presentasyon. Ang mananaliksik din ay maglalahad din ng kanyang
analisis o pagsusuri.
KABANATA V: LAGOM, KONKLUSYON at REKOMENDASYON
Nahahati ang kabanatang ito sa tatlo:
6
Lagom. Dito nilalagom o binubuod ang mga impormasyon at datos
na nakalap ng mananaliksik na komprehensibong tinatalakay sa
kabanata III.
Konklusyon. Ito ay mga inferences, abstraksyon, implikasyon,
interpretasyon, pangkalahatang pahayag, at/o paglalahad batay sa
mga datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik.
Rekomendasyon. Ito ay ang mga mungkahing solusyon para sa mga
suliraning natukoy o natuklasan sa pananaliksik.
Mga Panghuling Pahina
Listahan ng Sanggunian ay isang kumpletong tala ng mga ginamit
na sorses sa pagkuha ng mga datos sa pagsasaliksik.
Ang Apendiks ay isang bahagi ng pananaliksik na tinatawag ding
Dahon o Dagdag. Dito nakapaloob ang mga liham, pormularyo ng
ebalwasyon, talatanungan (sarbey-kwestyuner) o transkripsyon ng
interbyo, bio-data ng mananaliksik, larawan, kliping, at iba pa.
Pinagkunan: Magdalena O. Jocson, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino Quezon City: Vibal Group, Inc., 2016, 274-288
Penomenang Kultural at Panlipunan
Sa panimulang pananaliksik sa aspektong kultural, tandaan na
tinatawag ding kalinangan ang kultura. Kapag sinabing kultura, binubuo
ito ng tradisyon, paniniwala, paraan ng pamumuhay, paraan ng
pananamit, wika, at relihiyon. Mula sa kultura umusbong ang kabihasnan
o tinatawag na sibilisasyon.
Bawat pangkat ng tao sa daigdig ay may kinagisnang kultura.
Maaaring may mga pagkakatulad ang ilan at may hindi naman
pangkaraniwan. Kung sinabing hindi pangkaraniwan, maituturing itong
pambihira o phenomenal. Isang makabuluhang paksa ng pananaliksik ang
kulturang dapat pagyamanin pa.
Bahagi ng aralin na ito ang pag-aaral sa angkop na mga salita sa pag-
uugnay-ugnay ng mga ideya na mahalagang malaman mo para sa iyong pag-
aaaral ng aralin na ito at sa gagawin mong pananaliksik.
Angkop na mga Salita sa Pag-uugnay-ugnay ng mga Ideya
Isaisip din sa pagsulat ng pananaliksik ang paggamit ng mga angkop
na salitang mag-uugnay sa mga ideya. Tinatawag na kaisipan sa nililinang
na talata ang ideya. Inilalahad ng ideya ang pangunahing kaisipan na
layong ihatid ng sulatin. Sa puntong ito, kailangang pag-ugnayin ang mga
7
kaisipan a sariling pag-unawa sa teksto upang mabuo ito, at ang
makatutulong dito ay ang paggamit ng angkop na mga salita.
Malalaman kung angkop ang mga salitang gagamitin kung kaugnay
ito ng paksang gagawan ng pananaliksik at kung nagpapakilala ito ng
pangangailangan sa bawat bahagi nito. Maaaring gumamit din ng mga
pang-ugnay na salita tulad ng: sapagkat, ngunit, at, kung gayon,
samakatuwid, at iba pa.
Pinagkunan:https://www.facebook.com/notes/deped-tayo/nasa-
mgakatutuboang-ugat-ng-lahing-pilipino/235606780194036
Halimbawang Pananaliksik
KABANATA I
ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NG PAG-AARAL
INTRODUKSYON
Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa
pagkakaisa ng mga mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba’t
ibang aspeto sa isang bansa. Ang sariling wika ay mahalaga sa isang bansa
sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan
ng bawat mamamayan. Ang ekonomiya ay hindi lalago at uunlad kung ang
mga tao ay hindi nagkakaisa at nagkakaintindihan.
Ang wikang Filipino sa makabagong panahon ay patuloy na
umuunlad at nagbabago. Gumagamit din ng iba’t ibang paraan upang mas
mapaikli ang pagbigkas o paggamit ng ating wika. Ilang halimbawa ng
pagpapalawak ng bokabularyo ay ang paggamit ng akronim o ang paggamit
ng mga letra na nagprepresenta sa isang salita o tumatayo bilang kapalit
ng salita. Ang isa pang halimbawa ay ang pagpapalit ng mga arkayk na
salita, sa pamamagitan nito pinapalitan ng mga makabagong salita ang mga
salita na ginagamit noong unang panahon upang mas madaling gamitin at
mas magandang bigkasin at pakinggan. At ang pinakauso sa panahon
ngayon ay ang paggamit ng mga balbal na salita. Ito ang pinakamababang
antas ng wika na karaniwang ginagamit ng mga kabataan at mga bakla.
Ang mga mag-aaral sa urban ay gumagamit din ng iba’t ibang
pagpapalawak ng bokabularyo na nakaaapekto rin sa kanilang
pamumuhay maging sa lipunan at ekonomiya.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN AT LAYUNIN
Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang maipakita ang pananaw ng mga
mag-aaral sa kursong Batsilyer ng Edukasyon sa mayoryang Filipino sa
8
patuloy na pag-unlad ng wika sa paglipas ng panahon. Sa pamamgitan ng
pag-aaral na ito, inaasahang sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Sang ayon ka ba na umunlad ang wikang Filipino?
2. Ang makabagong teknolohiya ba ay isa sa mga salik na nakaaapekto sa
pag unlad ng wikang Filipino?
3. Mahalaga ba ang pag-unlad ng wika?
4. Mahalaga pa ba ang wikang Filipino sa kasalukuyan?
5. Ang paglipas ba ng panahon ay isa rin sa mga naging dahilan sa pag-
unlad ng wika?
6. Nakaaapekto ba ang pag-unlad ng wikang Filipino sa kasalukuyan?
7. Nakakaimpluwensya ba ang pananakop ng ibang bansa sa pag-unlad ng
ating wika?
8. Dapat na bang kalimutan ang lumang salita na ating minana mula sa
ating wika?
9. Bilang mag-aaral, may maitutulong ka ba sa pag-unlad ng wika?
10. Naging epektibo ba ang pag-unlad ng wika sa ating pamumuhay?
11. Naging epektibo ba ang pag-unlad ng wika sa ating lipunan?
12. Sang ayun ka bang tanggalin ang wilang Filipino sa kurikulom ng
kolehiyo?
13. Ang pagpapalit ba ng mga salitang arkayk ay talagang epektibo sa
pakikipag komunikasyon?
14. Ang paggamit ba ng akronim ay isang epektibong paraan upang
matandaan ng tao ang mga salita?
15. Sang -ayon ka ba sa paggamit ng halo-halong lengguwahe sa paaralan?
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa maging ng
tao sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipakomunikasyon, pakikipag-
ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat mamamayan. Ito ay talagang
napakahalaga dahil kung wala ito ang ekonomiya aymaaaring hindi lumago
at umunlad lalong-lalo na kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa o
nagkakaintindiha. Kaya ang pag-aaral na ito ay tunay na kapaki-
pakinabang sa mga sumusunod:
1. Sa mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa kanila
upang kanilang malaman kung paano umuunlad ang wika at ang mga
tamang paraan o salita na kanilang kailangang gamitin na
makakatulong din sa pagtatagumpay ng kanilang pag-aaral.
2. Sa mamamayan. Ang pag-aaral na ito ay magbibigay sa kanila ng
kaalaman ukol sa kahalagahan ng wika at kung paano ito
makakatulong sa pag-unlad ng bayan.
9
3. Sa mga susunod pang henerasyon. Ang pag-aaral na ito ay ay maaari
nilang balikan at ito ay magbibigay sa kanila ng ideya tungkol sa wika
sa sinaunang panahon at kung paano ito nagbago.
SAKLAW AT DELIMITASYON
Ang layunin ng pag-aaral ay upang malaman ang mga pagbabago ng
wika noong sinauna hanggang ngayon at sa susunod pang henerasyon. Sa
mga tuntunin ng paggamit ng wika at pag-unlad nito ay may mga limitasyon
na dapat isaalanglang, upang mapanatili ang kaayusan ng pa-aaral ukol
dito. Ginawa ito upang malaman ang pananaw ng mga mag-aaral ng B.S
Education Major in Filipino ng mga mag-aaral sa unang baitang ng Institute
of Creative Computer Technology, taong panuruan 2014-2015. Ang
pagtitipon namin ng mga impormasyon at iba pang mga kinakailangan na
impormasyon ay ginawa sa Institute of Creative Computer Technology.
DEPINISYON NG TERMINO
Upang mas mapaigi madaling maunawaan ang nilalaman ng pag-
aaral na ito, ang mga sumusunod na salita ay binigyang kahulugan:
Balbal o islang. Ang di-pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika
ng isang partikular na grupo ng lipunan. Tinatawag din itong salitang
kanto o salitang kalye.
Ekonomiya. Binubuo ng mga sistemang ekonomiko ng isang bansa o ibang
area: ang trabaho, puhunan, at mga pinagkukunang lupain at ang
pagmamanupaktura, produksiyon, pangangalakal, distribusyon, at
konsumpsiyon ng mga kalakal at serbisyo ng areang ito.
Arkayk. Ang Lumang Tagalog na ginamit bago ang paggamit ng Filipino
noong 1973. Ito ay kinabibilangan ng mga sinaunang anyo ng tagalog
gayundin ng mga salitang inimbento ng mga purista na tila hindi na
gaanong ginagamit sa kasalukuyang panahon.
Wika. Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng
mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang
nais sabihin ng kaisipan.
10
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
LOKAL NA LITERATURA
Ayon kay Edward Sapir, ang wika ay isang likas at makataong
pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdain at mithiin. Si
Carroll (1964) ay nagpapahayag na ang wika ay isang sistema ng mga
sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti -unting
paglilinang sa loob ng maraming dantaon at nagbabago sa bawat
henerasyon, ngunit, sa isang panahon ng kasaysayan, ito ay tinutukoy na
isang set ng mga hulwaran ng gawi na pinag-aaralan o natutuhan at
ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad.
Ayon kay Dr. Pamela Constantino sa artikulo niyang Tagalog Pilipino
/ Filipino: Do they Differ sa bisa ng Executive Order No 134 na nilagdaan
ni Pangulong Quezon noong Ika-30 ng Disyembre, 1937, kinilala ang
Tagalog bilang basehan ng pagbubuo ng Wikang Pambansa.
Ayon kay Dr. Aurora Batnag (Kabayan, 2001) sapagkat ang Pilipinas
ay multilinggwal at multicultural, nabubuklod ang ating mga watak-watak
na isla ng iisang mithiin na ipinapahayag hindi lamang sa maraming tinig
ng iba’t- ibang rehiyon kundi gayon din sa isahang midyum na Wikang
Filipino. Samakatuwid hindi matutumbasan ang papel ng wika sa
pagtatangkang baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang bansa.
DAYUHANG LITERATURA
Pinatotohanan ni Aram Noam Chomsky (1928) na lahat ng tao ay may
Language Acquisition Device (LAD. Idinagdag niya na everyone is born with
some sort of universal grammar in their brains------basic rules which are
similar across all languages.
Idiniin ni Antonio Piafetta noong 1525 na mas maaga pa daw
napormalisa ang wikang Filipino ngayon kaysa sa kasaysayan ng bansa.
May mga pamilyar na salita ang luar na naiintindihan sa kahit saang dako
ng Pilipinas. Katulad na lang ng mga salitang buhok at ngipin. Ibig sabihin
nito ay nagkakaisa na tayo noon pa man sa usapin tungkol sa wika.
Ayon kay Archibald A. Hill sa kanyang papel na What is Language?
ang wika raw ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng
simbolikong gawaing pantao. Ang simbolon ito ay binubuo ng mga tunog
na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isanasaayos sa ma klase at pattern
11
nga lumilikha sa isang komplikado at simetrikal na istruktura. Ang mga
simbolong ito ay mayroon ding kahulugang arbitraryo at kontrolado ng
lipunan.
Mariing sinabi naman nina Barker at Barker (1993) na ikinukunekta
ng wika ang nakaraan, ang kasalukuyan at ang hinaharap. Iniingatan din
nito ang ating kultura at mga tradisyon. Maari raw mawala ang
matatandang henerasyon, subalit sa pamamagitan ng wika, naipapabatid
pa rin nila ang kanilang mga ideya, tagumpay, kabiguan, at maging ang
kanilang mga plano o adhikain sa hinaharap. Sa pamamagitan nito, ang
mga sumusunod at sumusunod pang henerasyon ay natututo o maaaring
matuto sa nakalipas na karanasan at sa gayo’y maiiwasan ang muling
pagkakamali o di naman kaya ay naitutuwid o matutuwid ang mga dating
pagkakamali. Masasabi rin na sa pamamagitan ng wika ay umuunlad tayo
sa mga aspektong intelektwal, sikolohikal, at kultural. Ganito rin kaya ang
mangyayari sa inyo kung babalikan natin at susuriin ang kasaysayan ng
ating wikang Filipino?
RESPONDENTE
Ang mga pipiliing mga respondentee sa pag-aaral na ito ay ang mga
nasa unang antas ng kursong B.S. Education major in Filipino sa taong
panuruan 2014-2015 sa ICCT College ng Pilipinas, lungsod ng Cainta,
Rizal. Sa kasalukuyan ay may limampung respondentee kaming kinuha na
kung saan ang mga mananaliksik ay gagamit ng quota sampling. Sila ay
magpapamahagi ng animnapung sarbey kwenstyuner at ang limampung
respondente na unang makakatapos ang siyang automatikong magiging
respondente.
MGA INSTRUMENTONG PANANALIKSIK
Ang sarbey kwestyoneyr ay ginamit upang makalap ang mga datos na
kinakailangan sa pag-aaral. Ang mga katanungan ay pinasagot sa mga
mag-aaral sa unang baitang ng B.S. Education Major in Filipino.
TRITMENT NG MGA DATOS
Ang pagtally at pagkukuha ng porsiyento ang kinakailangang gawin
ng mgamananaliksik upang maibuod ang mga datos ng pag-aaral.
ChatGPT said:
ChatGPT
Anong partikular na bahagi ng panimulang pananaliksik ang nais mong talakayin o pagtuunan ng pansin?
You said:
Pointers that i need:
• Kahulugan ng Wika ayon sa iba’t ibang Awtoridad
• Unibersal na Katangian ng Wika
• Ang Wika bg Komunikasyon
• Katangian ng Komunikasyon
• Mga Sagabal sa Komunikasyon
• Uri ng Pakikipag-usap
• Ang Wikang Panturo at Wikang Opisyal
• Antas ng Wika at Kategorya
• Tungkulin ng Wika ni M.A.K Halliday
• Kasaysayan ng Wikang Pambansa
• Kakayahang Komunikatibo
• Barayti ng Wika