USER
Paksa 1: Politikal na Pakikilahok
Isang mapagpalang araw sa iyo aking mag-aaral. Sa modyul na ito, mas
madaragdagan ang iyong kaalaman sa kontemporaryong isyu na may
kinalaman sa politikal na pakikilahok at kung paano ka makakalahok sa mga
gawain upang makatulong sa paglutas ng isang suliraning panlipunan.
Suriing mabuti ang larawan sa ibaba at ano ang masasabi mo tungkol
sa larawan? Sa iyong sariling pananaw, ano ang kinalaman nito sa ating
susunod na aralin?
Ayon sa Artikulo II, Seksyon 1 ng ating Saligang Batas, “Ang Pilipinas
ay isang estadong republikano at demokratiko. Ang ganap na kapangyarihan
ay angkin ng sambayanan at nagmumula sa kanila ang lahat ng mga
awtoridad na pampamahalaan.” Ito ay patunay lamang na ang
kapangyarihan ng isang Estado ay wala sa pamahalaan at sa mga taong
bumubuo nito, sa halip, ito ay nagmumula sa mga mamamayan. Katulad ng
mga nabanggit na, ang mamamayan ay dapat aktibong nakikilahok sa
diskurso sa pamamahala upang bigyang-katugunan ang mga hamong
panlipunan. Nararapat na magkasamang buuin ng pamahalaan at ng
mamamayan ang solusyon sa mga suliraning kinakaharap sa lipunan.
Mga Paraan ng Pakikilahok
May mga paraan na maari nating isakatuparan upang tayo ay
mabisang makalahok sa mga gawaing pampoltika sa ating bansa.
1.Pakikilahok sa Eleksiyon
Ang pagboto ay isa sa pinakamahalagang tungkulin ng mga
karaniwang mamamayan ang makilahok sa paghalal ng mga pinuno ng
pamahalaan. Ang prosesong ito ay itinakda sa ating Saligang Batas, Artikulo
V, Seksyon 1.
Artikulo V, Seksyon 1. Ang karapatan sa pagboto ay maaring gampanan ng lahat
ng mga mamamayan ng Pilipinas na hindi inalisan ng karapatan ng batas, na
labing-walong taong gulang man lamang, at nakapanirahan sa Pilipinas sa loob
ng isang taon man lamang, at anim na buwan man lamang sa lugar na kanilang
bobotohan kagya’t bago maghalalan.
Seksyon 2. Dapat magtakda ang kongreso ng isang sistema para masiguro ang
pagiging sekreto at sagrado ng mga balota at gayon din ng isang sistema para sa
pagbotong liban ng mga kwapilikadong Pilipino na nasa ibang bansa. Para sa mga
taong may kapansanan at mga hindi marunong bumasa’t sumulat, ang Kongreso
ay dapat bumalangkas ng isang pamamaraan na hindi na kailanganin ang tulong
ng ibang tao. Hanggang sumapit ang panahong iyon, sila ay pahihintulutang
bumoto sa ilalim ng umiiral na mga batas at ng mga tuntuning maaaring ihayag
ng komisyon ng halalan upang maprotektahan ng pagiging sekreto ng balota.
Pananagutan ng bawat mamamayan ang bumoto para mailuklok sa tungkulin
ang mga kandidatong inakala niyang higit na may kakayahang tumupad sa
mga tungkuling kanilang ninanais. Kapag may plebisito, dapat din siyang
lumahok sa pagbibigay-pasiya sa mga tanong na inihaharap sa bayan. Ang
pakikilahok sa eleksiyon ang pinakapayak na paraan ng pakikilahok ng
mamamayan. Ang pagboto ay isang obligasyon at karapatang politikal na
ginagarantiyahan ng ating Saligang- batas.
Ayon sa Omnibus Election Code, Artikulo 12, Seksyon 116, ang mga
sumusunod ay mga diskwalipikadong bumoto:
a. Mga taong nasentensiyahan na makulong nang hindi bababa sa isang
taon. Maari siyang makaboto muli pagkaraan ng limang taon
pagkatapos niyang matapos ang parusang inihatol sa kaniya
b. Mga taong nasentensiyahan ng hukuman sa mga kasong rebelyon,
sedisyon, paglabag sa anti-subversion at firearms law at anumang
krimeng laban sa siguridad ng bansa. Maari siyang makaboto muli
pagkaraan ng limang taon pagkatapos niyang matapos ang parusang
inihatol sa kaniya,
c. Mga taong idineklara ng mga eksperto bilang baliw.
Pagsali at Pagsuporta sa mga Organisadong Pampolitika
Partido Politikal
Ang pagtatag ng partido politikal ay mahalagang bahagi ng
pagkakaroon ng halalan sa bansa. Sa Omnibus Election Code, Artikulo VIII,
Seksyon 60-62, inilalarawan kung ano ang partido politikal. Ayon dito, ang
Partido Politikal ay tumutukoy sa organisadong grupo ng mga tao na nagkakaisa ng ideolohiya, pampolitikang ideya, o plataporma ng pamahalaan.
Upang makakuha ng juridical na pagkilala, maging karapat-dapat sa
accreditation, at mabigyan ng mga karapatan at prebilihiyo, ang isang partido
politikal ay nararapat na nakarehistro sa Commission on Elections. Naitala
sa House of Representatives na may dalawang daan at siyamnapu (290) ang
bilang ng mga partido politikal sa ating bansa noong taong 2013. Ilan sa mga
ito ay ang partido ng PDP-Laban, Liberal Party, Nacionalista Party, Lakas-
Christian Muslim Democrats, Laban sa Demokratikong Pilipino, at iba pa.
Pansektor na mga kinatawan o Party List
Ang iba’t ibang sektor sa ating lipunan ay binibigyan
ng pagkakataong magkaroon ng representasyon sa
Kongreso upang ang kanilang mga tinig ay marinig.
Kilala rin sila bilang party list.
Makakapaghalal ang taong-bayan ng mga
kinatawan sa House of Reprsentatives mula sa mga
purok pangkapulungan. Dalawampung porsiyento
(20%) ng lahat ng mga kinatawan sa Kongreso ay
dapat ihalal mula sa party list. Ang party list ay listahan ng mga rehistradong
mga partido o organisasyong pambansa, panrehiyon, o pansektor. May
dalawang daan at limampung (250) kinatawan dapat sa Kongreso kaya’t
limampu (50) ang inihalal mula sa party list. May 300 na bilang ang mga
rehistradong party list sa ating bansa. Ilan sa mga ito ay ACT-CIS, Duterte
Youth, Bayan Muna, Gabriela, ACT Teachers at iba pa.
Hindi natatapos sa paglahok sa eleksiyon ang politikal na pakikilahok
ng mga mamamayan. Sa halip, unang hakbang lamang ito para sa malayang
lipunan. Ang esensiya ng demokrasya ay ang magkaroon ng mamamayang
nakikilahok sa pagpapaunlad ng bayan sa paraang higit pa sa pagboto.
2.Paglahok sa Civil Society
Ang Civil Society ay tumutukoy sa isang sektor ng lipunan na hiwalay
sa estado. Ang mga civil society ay karaniwang iniuugnay sa pagsulong ng
mga karaniwang interes. Kung minsan itinuturing na kasama ang pamilya at
ang pribadong sektor. Itinuturing ito bilang “ikatlong sektor” ng lipunan, na
naiiba sa pamahalaan at negosyo. Ang mga civil society ay mga pinagsama-
samang non-government organizations at institusyon na nagpapahayag ng
mga interes ng mga mamamayan. Mga indibidwal at organisasyon na malaya
sa pamahalaan. Karaniwang binubuo ng mga non-profit organization.
Kilos Protesta o lipunang pagkilos ang tawag sa mga ginagawa ng mga
taong hindi sumasang-ayon sa isang bagay o pangyayari. Maglulunsad sila
ng isang event at magtitipon-tipon ang mga tao upang ipaglaban ang gusto nila at mga bagay na hindi nila sinasang-ayunan. Ilan sa mga halimbawa nito
ay Kilusang Mayo Uno, Gabriela, Anakpawis atbp. Subalit nararapat ding
isaisip na ang ibang suliranin ay maaari ring idaan sa mabuting usapan o
mapayapang pakikipagtalakayan.
Sa kabuuan, ang civil society ay nakabubuti sa isang demokrasya.
Binibigyan ng civil society ang mga mamamayan ng mas malawak na
pakikilahok sa pamamahala ng isang bansa. Sa pamamagitan ng pag-
enganyo sa mga mamamayan sa mga gawain ng civil society, masisiguro na
magkakaroon ng pananagutan ang bawat opisyal ng pamahalaan sa kanilang
tungkulin (Bello, 2000).
Ilan sa mga halimbawa ng civil society ay ang sumusunod:
Malayang Pamamahayag
Ayon sa ating Saligang Batas 1987, Artikulo III, Katipunan ng mga
karapatan:
Seksyon 4: Hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa
pananalita, pagpapahayag, o ng pamamahayagan, o sa karapatan ng mga taong
bayan na mapayagang magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan upang ilahad
ang kanilang mga karaingan.
Ayon sa United Nations Development Program (UNDP), mahalaga rin ang
kalayaan ng media sa pampublikong pamamahala. Ito ay sa pagkakaroon ng
tatlong tungkulin (UNDP, 2002):
• Civic forum- pagbibigay ng tinig o pagkakataong magsalita ang lahat ng
mga kasapi ng lipunan, lalo na ang mahihirap
• Mobilizing agent- pagpapalakas ng pakikilahok sa pansibiko o civic
engagement at pangangasiwa ng mga pampublikong pakikilahok o sa
mga isyu ng pampublikong kahalagahan; at
• Watchdog- pagbabantay sa mga gawain ng pang-aabuso at
pagpapahusay ng pananagutan at transparency sa mga pampublikong
pamamahala.
Dapat ding pakatandaan na ang malayang pamamahayag ay limitado.
Dapat pawang katotohanan lamang ang ipahayag at walang halong paninira.
Mga Organisasyong Di-pampamahalaan (NGO) at Salig-pamayanan
(Community Based)
Pinasisigla ng ating pamahalaan ang mga samahang di-
pampamahalaan (non-government) sector o salig-pamayanan (community
based) .Ito ay dahil sa malaki ang kanilang naitutulong para sa kagalingan
ng ating bansa. Sa kanilang pakikilahok sa mga bagay na may kinalaman sa
kapakanan ng iba’t ibang sektor sa kanilang kinakatawan, naipapahayag nila
ang kanilang kalagayan sa mahahalagang isyung kinakaharap.
Nakasaad sa ating Saligang Batas:
Artikulo II, Seksyon 23. Dapat pasiglahin ng Estado ang mga organisasyong
di-pampamahalaan, salig-pamayanan, o sektoral na nagtataguyod ng
kagalingan ng bansa.
Artikulo III, Seksyon 4. Hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas
sa kalayaan sa pananalita, pagpapahayag. O sa karapatan ng mga taong-
bayan na mapayapang magkatipon sa pamahalaan upang ilahad ang
kanilang mga karaingan.
Ang non-government Organization (NGO) ay anumang non-profit na
grupong mga lokal na boluntaryong mamamayan, pambansa, o pandaigdig.
Ang mga NGO ay nagbibigay ng iba’t ibang libreng serbisyo at tulong sa mga
tao upang maiparating sa pamahalaan ang kanilang mga hinaing. Sa
pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon, ang mga ito ay nagtataguyod
ng mga programa para sa pangangalaga ng mga karapatang pantao,
kapaligiran, o kalusugan. Ang mga non-government organization (NGO) ay
samahang pumapagitan sa mga tao at ng estado. Sila ay nagsasalita o
kumikilos para sa mahihirap at nangangailangan.
Mga Halimbawa ng Non-government Organization (NGO)
Operation
Smile
Foundation
“to mobilize a world of generous
hearts to heal children’s smile and
transform lives; and to provide free
constructive surgery to indigent
Filipino children afflicted with cleft
palate, and other facila
deformities.”
Haribon
Foundation
for the
Concervati
on of
Natural
Resources
“to contribute to national
development through pure and
fundamentals and/or applied
research and/or creative work in
environmental protection, natural
resources conservation, wildlife
management, and tribal culture.”
People’s Organization (PO’s) o Grassroot Organization
Ang grassroot organization o people’s organizations (POs) ay uri ng mga
organisasyong kabilang sa civil society ngunit kinabibilangan ng mga
mamamayang direktang naapektuhan ng mga problema o krisis at may
partikular na layunin at pinaglalaban. Ito ay naglalayon na protektahan ang
interes ng mga miyembro nito. Dito nahahanay ang mga sektoral group ng
kababaihan, kabataan, magsasaka, mangingisda at mga caused-oriented
group.
Mahalagang makilahok ang mamamayan sa mga ganitong uri ng
samahan. Ayon kay Larry Diamond (1994), ang paglahok sa mga ganitong
samahan ay isang mahusay na pagsasanay para sa demokrasya. Sa
pamamagitan ng paglahok sa mga NGO at PO ay mas napaghuhusay ng
mamamayan ang kanilang kakayahan para sa mas aktibong pakikilahok sa
mga gawaing panlipunan. Pinagyayaman din ng mga samahang ito ang
pagiging bukas ng mga tao sa paniniwala ng iba, at pagkilala at pagrespeto
sa karapatang pantao; ito ay mahahalagang katangian ng isang mabuti at
aktibong mamamayan na lubhang napakahalaga sa isang demokrasya.
May tatlong mahahalagang tungkulin ang mga NGO at PO sa Pilipinas sa
kasalukuyan.
• Una, ang paglulunsad ng mga proyektong naglalayong paunlarin ang
kabuhayan ng mga mamamayan na kadalasan ay hindi natutugunan
ng pamahalaan
• Pangalawa, nagsasagawa ang mga NGO ng mga pagsasanay at
pananaliksik tungkol sa adbokasiyang kanilang ipinaglalaban upang
magising ang kamalayan ng mamamayan.
• Panghuli, malaki ang papel ng mga samahang ito sa direktang
pakikipag-unayan sa pamahalaan upang maiparating sa kanila ang
hinaing ng kanilang sektor at mga naiisip na programa at batas na
naglalayong mapagbuti ang kalagayan ng mamamayan. Dito
pumapasok ang mga ginagawang pagpoprotesta, pakikipagnegosasyon
at lobbying o ang pag-impluwensiya sa mga desisyon ng opisyal ng
pamahalaan para makamit ang isang mithiin
Mag-aaral, magiging mas makabuluhan ang iyong pag-aaral ng araling ito
sa pamamagitan ng pagpatuloy ng pagbabasa o pagsasaliksik ng iba pang
paksa na may kaugnayan sa ating paksang natalakay.
Sanayin Natin
Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang mga konsepto na natutunan sa aralin natin tungkol sa aktibong pakikilahok sa gawaing pansibiko. Inaasahan ko na ang iyong mga sagot ay may kinalaman sa epekto, kinahinatnan at resulta ng aktibong pakikilahok sa gawaing pansibiko sa kabuhayan, politika, at lipunan.
1.Pakikilahok sa eleksyon
1. Civil Society
2. Malayang Pamamahayag
3. Voluntary Organization
4. Non-Government Organization
5. People's Organization
ASSISTANT
Ang aktibong pakikilahok sa gawaing pansibiko ay nagdudulot ng iba't ibang positibong epekto at resulta sa kabuhayan, politika, at lipunan. Narito ang ilang mahalagang konsepto na natutunan sa aralin tungkol sa kahalagahan at kinahinatnan ng aktibong pakikilahok:
1. **Pakikilahok sa Eleksyon** - Ang pakikilahok sa eleksyon ay nagbibigay sa mamamayan ng kapangyarihan upang pumili ng kanilang mga lider na magpapatupad ng mga polisiya at programa para sa kapakanan ng mas nakararami. Ito ay direktang nakaapekto sa kalidad ng pamumuhay, politikal na kapaligiran, at istruktura ng lipunan dahil ang mga nahalal na opisyal ay may malaking tungkulin sa paghubog ng mga polisiya at desisyon na nakakaapekto sa buong bansa.
2. **Civil Society** - Ang malusog na civil society ay mahalaga sa pagtataguyod ng demokratikong pamamahala at pagsulong ng panlipunang katarungan. Ang aktibong pakikilahok dito ay nagpapalakas ng pananagutan at transparency sa pamahalaan, nagtataguyod ng civic engagement, at tumutulong sa pagbuo ng isang inklusibong lipunan kung saan ang boses ng bawat sektor ay naririnig.
3. **Malayang Pamamahayag** - Mahalaga ang papel ng malayang pamamahayag sa isang demokratiko at buhay na lipunan. Ito ay nagbibigay-daan sa malayang pagpapahayag ng mga opinyon at impormasyon, na mahalaga sa edukasyon ng publiko, pagbibigay linaw sa mahahalagang isyu, at pagtataas ng kamalayan sa mga suliraning panlipunan.
4. **Voluntary Organization** - Ang mga voluntary organization ay nagtataguyod ng boluntaryong paglilingkod at pakikilahok sa mga proyektong naglalayong mapabuti ang kalagayan ng komunidad. Aktibong pakikilahok dito ay nagpapalakas sa diwa ng pagtutulungan, nagpapaunlad ng mga kasanayan at kakayahan ng mga mamamayan, at nagtataguyod ng pagbabago sa lipunan.
5. **Non-Government Organization (NGO)** - Ang mga NGO ay mahalaga sa pagbibigay suporta sa mga mahihinang sektor ng lipunan, pagpapatupad ng mga programang pangkaunlaran, at pagtataguyod ng mga adbokasiya. Ang kanilang pakikilahok sa mga gawaing pansibiko at pampolitika ay nagbibigay ng daan para sa mga mamamayan na maging bahagi ng solusyon sa mga suliraning panlipunan.
6. **People's Organization (POs)** - Ang POs ay direktang kumakatawan sa interes ng kanilang mga miyembro at nagtataguyod ng partisipasyon ng mamamayan sa proseso ng paggawa ng desisyon. Ang pakikilahok sa mga PO ay nagbibigay kapangyarihan sa mga mamamayan na mag-ambag sa pagbuo ng mga polisiya at programa na direktang nakakaapekto sa kanila.
Ang lahat ng ito ay sumasalamin sa kahalagahan ng aktibong pakikilahok sa pagtataguyod ng isang malusog, demokratiko, at progresibong lipunan kung saan ang bawat mamamayan ay may bahagi at responsibilidad.